Pera, Kwarta, Salapi,napapanahong pelikula

Naging matagumpay ang ginanap na premiere night ng musical film na "Pera, Kwarta, Salapi sa Gateway, Cubao. Pinagbibidahan ito ng It’s Showtime Bidaman na si Jiro Custodio at ‘It’s Showtime’-Sexy Babe grand winner na si Sam Coloso. Sa Screenplay ni JP Lopez ar sa direksyon ni Carlo Alvarez. 
Bago magsimula ang pelikula ay nagkaroon kami ng pagkakataong mainterview ang London- based filipino producer na si Rusty Malillin. Ang pagmamahal sa musika kahit no'ng bata pa ang nag-inspire daw sa kaniya na magproduce ng pelikula. 

" No'ng bata pa talaga ako mahilig na ako sa pantomine. Nung nasa London naman ako napanood ko yung Mamma Mia. Nainspire ako sa mga kanta mg Abba. Nagustuhan ko yung kanta nilang "Money,money,money."

Dito na raw nagkaroon ng ideya si Rusty tungkol sa kahalagahan ng pera sa tao. 

" Lahat kami halos ofw. So ang tema ng movie is about money. Istorya ng magkakaibigan na mag-aaway away dahil sa pera.But in the end, nagsama sama ulit ang lahat. Maganda ang ending. May lesson. 

May love story, drama, may hustisya at may forgiveness. "

It's about time din daw na maaappreciate ng filipino audience ang musical drama film since ang musika ay malaking bahagi ng buhay ng tao. 

May international showing daw ang Pera, Salapi Kwarta. Nais ibahagi ni Rusty ang magandang mensahe ng pelikula.

Bukod kina Jiro at Sam, kasama pa sa pelikula sina Rico Garcia, Marvin Velasquez, Cynthia Garcia at marami pang iba.  Handog ng ErasmoSTAR Talents & Entertainment Management & Alcazar Films presentation in cooperation with Blackbox Studios J-DreamStar Studio & Entertainment Production. Executive Produced by Erasmo Mallillin. The screening was sponsored by Nature Joe's by Sir Raul Roque and RAD (www.iamrad.app). 

 




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry