Rey Paolo Ortiz hinirang na Prince Tourism Universe 2022
by Mildred Bacud
Hindi na kami nagtaka kung nauwi ni Rey Paolo Ortiz ang titulong Prince Tourism Universe 2022 dahil deserved niya ito. Naihanda siya ng husto ng kaniyang mentor na si Ayen Castillo na ayon dito ay dumaan daw talaga sa training. Kita naman ang confidence ng bagets ng humarap siya sa press people kamakailan lang kasama ng kaniyang magulang, kapatid at si Ayen ng Aspire Philippines.
Paano nga ba napasok si Paolo sa naturang kompetisyon?
" Around October, tinanong po alo ni mom kung gusto kong sumali sa competion. Nung una ayaw ko pero sabi niya sayang naman daw ang oppurtunity."
Napapayag din daw si Paolo. Naging happy naman daw siya sa nahing desisyon nito.
"It was more of exciting. It was well coordinated. There were a lots of contestants I didn't feel very nervous . Over all, it was very fun."
Ano ba ang pinaka-challenging na na-experience niya during the pageant?
"Mainly it was the stage presence po talaga kasi first time kong nag-join ng pageant."
Since siya ang tinanghal na Prince Tourism Ambassador Universe 2022, kung pupunta sa Pinas ang mga nakalaban niya, saang magagandang tourist spots niya ipapasyal ang mga ito?
"Sa 8 Wonders of the world po,sa Banawe Rice Terraces.Ipapasyal ko rin po sila sa Boracay at Palawan,"
Pangarap ni Paolo na pasukin ang pag-aartista.Sa tingin niya magiging dahilan ang pagkakaroon niya ng title para ma-penetrate niya ang showbusiness?
"Maybe Nobody knows the future. "
Sa action genre gustong makilala ni Paolo pero ano nga bang advice na madalas sabihin ng kanyang parents sa kanya?
"Don't be nervous Always smile.Give your best."
Sa showbiz ay pangarap daw ni Paolo na makatrabaho ang paborito niyang aktor na si Daniel Padilla.
"He"s really good in acting Tama yung emosyon na ipinapakita niya."
Sa murang edad na 12 years old ay very smart and intellectual na itong si Paolo. Hindi na kami magtataka na hanggang sa paglaki niya ay manalo siya sa mga pageants na sasalihan niya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento