Nick Banayo, bibida sa pelikulang Hiwaga

by Mildred A. Bacud

Kilala si Nick Banayo bilang faith Healer at tinaguriang Kumander Bantugan. Sikat siyang vlogger dahil sa kakayahan niyang makapaggamot at kumakausap ng ibang elemento. Sa halos 1.12m na subscribers sa Youtube, 508k followers sa Facebook at 679k sa Tiktok masasabing malakas na rin ang kaniyang following. 

Bagaman hindi na bago sa kaniya ang pag-arte dahil nakapag-produce na rin naman siya ng ilang shortfilms at series, this time ay sasabak na siya sa big screen.

" Bale kaibigan ko po si Ynez Veneracion at siya po ang nagdala sa akin kay direk Vince Tanada. Nabuo na nga po ang pelikulang " Hiwaga," na isang horror-fantasy action film."

Ang genre na ito ay malapit kay Nick dahil na rin sa kakayahan niyang makausap ang mga ibang nilalang tulad ng engkanto at iba pa. 

“Nagpapalayas ako ng masasamang espiritu, mga elemento, mangkukulam, mambabarang. Ang lola ko kilalang manggagamot sa Naic, Cavite. At ganun din yung ama niya, so siguro nasa lahi namin.”

Paano nga ba niya natuklasan na nakapanggagamot pala siya? 

“Lumabas sa akin noong naging 20 years old na ako. Nakapulot ako ng isang medalyon at inuwi ko sa bahay. 

"Tapos noon, di na ako makatulog, pumapasok lagi sa isip ko, may bumubulong. May words na sinasabi sa’kin in Latin, mga dasal, na sinusulat ko naman at na-memorized ko lahat. 

"Doon nagsimula then inilagay ko sa social media para malaman ng mga tao kung sino ang pupuntahan kung kailangan nila ng spiritual na gamutan.”

Bakit naman siya tinawag na 
Kumander Bantugan? 

“Noong nanggagamot na ako, may isang pari at madre na nagpunta sa akin. Ipinatatawag daw ako ng aking ama. Si Bantugan raw. Sumama ako sa Mindanao, dinala nila ako roon at nandun yung talagang Bantugan. 

"Ipapasa raw niya sa akin ang kanyang kakayahan sa paggamot. Gamitin ko raw ang name niya, nilagyan ko lang ng kumander.”

Ano naman masasabi nuya sa mga bashers na nagdududa sa kakayahan niya?

“Given naman yun sa atin, na hindi lahat naniniwala. Dati, naiinis ako dahil binabash ako ng ibang tao, sinasabi, hindi totoo yan. 

"Pero nasanay na rin ako kasi bale tinutulungan din nila ako para mas maging interesado sa akin yung ibang mga tao. 

"Curious sila kung sino ba tong bina-bash na ito at chine-check nila ako online. So lumalapit sila sa akin at napagaling ko naman at doon na sila naniwala.”

Pero ano nga ba ang pinakamahirap nitang ginamot? 

“Ang pinakamahirap na case sa mga dinanas ko, yung sinaniban ng tikbaklang. 

"Isa sa pinakamalakas na elemento kasi ang tikbalang dahil may sarili silang kapangyarihan. 

"Pero natuklasan ko ang kahinaan nila kaya ngayon, hindi na ako nahihirapan. Ang nakakita lang doon, yung may third eye.”

Idolo ni Nick ang yumaong Ramon Revilla Sr. Nagkaroon na rin siya ng pagkakataong makilala ang mga naiwang anak nito. Kaya naman pala hindi nakapagtataka kung bakit genre ng mga agimat at kakaibang nilalang ang interes ni Nick. Ginagampanan niya ang role bilang si Brando sa pelikulang  “Hiwaga”. 


“Galing ako sa ibang realm or mundo. Then mapupunta kami ng Lola ko, played by Elizabeth Oropesa, dito sa mundo ng mga tao. 

"Magpapatulong sa akin si Miss Philippines Universe 2019 Gazini Ganados para hanapin yung anak niya na kinuha ng mga engkanto. 

"Siya ang leading lady ko rito at may kissing scene daw kami. Kapatid niya rito si Joaquin Domagoso at ang tatay nitong si Isko Moreno, kontrabida sa movie.”

Bongga rin ang team na humahawak ng special effects dito na walang iba kundi ang produksyon ng yumaong Peque Gallaga. 

Intended for December Metro Manila Film Festival ang natural pelikula. Iba pang artista na  kasama ni Nick ay sina  Yorme Isko Moreno at anak nitong si Joaquion, Rosanna Roces at marami pang iba.
 





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry