Kier, balik showbiz; Tumigil muna magreach out sa anak na si Dani

(by Mildred A. Bacud)

Matagal namiss ng showbiz si Kier Legaspi. Ilang taon rin kasing hindi ito napanood sa mga serye at pelikula. Sa pamamagitan ng kaibigang manunulat na si Pilar Mateo ay nakamusta muli namin amg aktor at nakakatuwang nagbabalik na siya sa showbiz.
 (Kier Legaspi with the press people)

" Naging busy kasi ako sa busy kasi ako sa pagtulong sa business ng wife ko. Mas dun muna alo mag-focus. 

" Saka dumating lang siguro sa point na naburnt-out ako. Kaya sabi ko pahinga muna. 

Hindi naman nakaiwas ang aktor sa pangangamusta ng press sa relasyon niya sa anak na si Dani Barretto na matagal ng walang komunikasyon sa kaniya. 
" Sa anak ko naman. I just wish her the best. I'm sure maaayos naman lahat 'yan, in God's time. Kahit naman anong mangyari mahal mo yung anak mo eh.

"I'm just here waiting. Wala naman akong sinaradong pintuan. Open naman ang line ko especially now na nandyan ang social media, madali akong mareach."

Sa tanong kung gumagawa ba siya paraan magkausap ni Dani naging malaman amg kaniyang sagot.

" Honestly speaking I gave up and stopped. Alam mo yung pilit mong hinahabol pero yung hinahabol mo naman tumatakbong papalayo. Hinahanap mo pero parang nagtatago so sabi ko pinasa - Diyos ko na lang lahat. "

Pero ang paghinto naman daw ni Kier ay nangangahulugang nandun pa rin siya.

" Napapagod lang si tatay mo but thats all. I'm just here kung tatawag siya nakaopen lang yung

"I’m just here, if you need me. Ang relationship ko sa kanya, ipinasa-Diyos ko na lang,"sabi ni Kier.

Simula ng ipinanganak daw ang mga anak niya ay nandyan lang si Kier para sa kanila. Mahal niya raw ang mga ito.

Hindi pa rin daw nakikita ni Kier ang apo niya kay Dani. 

Kasama si Kier sa Black Rider na pinagbibidahan ni Ruruadrid at kasama niya rin rito ang kapatid na si Zoren Legaspi. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!