Jayda, Pambansang Sad Girl; Bagong hugot song labas na!

by Mildred Bacud

Bagaman may ideya na ang mga fans ni Jayda kung sino ang lalaking nasa likod ng mensahe na dinaan sa billboard. Ang mensahe ay ang paghingi ng mystery guy ng sorry kay Jayda dahil naduwag daw siya. Makikita ang billboard sa EDSA Guadalupe, Galleria Corporate Center sa Ortigas at sa may Marcos Highway sa Cainta, Rizal.


Hindi naman pinangalanan ng singer actress ang nasabing guy pero sigurado kami na may konek ito sa bagong kanta niya na may mensaheng pero hindi tinadhana. Pambansang Sad Girl na nga ang tawag sa singer actress.
Kamakailan lang, naglabas si Jayda ng bagong hugot song na may titulong “Right Lover, Wrong Time.”

Sa isang interview ay nag-open up ang singer tungkol sa naranasan niyang heartbreak at umamin pa tungkol sa kanyang TOTGA o the one that got away.

Ayon sa kanya, inspired nga raw sa kaniyang karanasan ang kanyang latest single.

“The reason why I was able to call this person the right lover, wrong time because it was the first time na naramdaman ko ‘yun sa isang tao na I felt secure and felt things were going our way or going my way na ito pala ‘yung feeling na ma-value ng isang tao ng ganun of that level. And ‘yan ‘yung akala ko na what I thought I had and then obviously, circumstances happen,” kwento ng singer.

Dagdag pa niya, “I won’t go into so much detail with it, pero sometimes, life has a funny way of parang making things happen. The way I see it, looking back on it, baka naman siguro nangyari din naman talaga ‘yun para masulat ko ‘yung kanta na ito.”

“With my music, I just want to show that at the end of the day, I’m a human being. Nakakaranas din ako ng heartbreak, iniiwan ako, nakakaranas din ako ng sakit and that’s fine. There’s no shame in that,” sabi pa niya.

Ang “Right Lover, Wrong Time” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!