Ali Sotto, bagong Co-anchor ng Mata ng Agila Primetime sa NET25!

by Rodel Fernando

Ipinakilala na kamakailan bilang bagong Co-anchor ang isa sa mga premyadong pangalan sa larangan ng pagbabalita, Si Ali Sotto! 
Kasama ang isa pa sa mga hinahangaang brodkaster ng bansa na si Alex Santos, si Ali ay siyang inaasahang kasabay nito sa paghahatid ng patas, wasto at pinakamainit na balita at impormasyon gabi-gabi sa Mata ng Agila Primetime.

Matapos gumawa ng pangalan bilang sikat na aktres at mang-aawit sa bansa, itinuturing si Ali bilang ilan lamang sa mga personalidad na napagtagumpayang mamayagpag bilang multi-awarded na news anchor at host ng mga kilalang news & public affairs na mga programa sa telebisyon at sa radyo.

“Matagal ko nang hinihintay na makatrabaho ko si Alex. Basta ako (Alex), katuwang mo ako, kakampi mo ako tuwing alas-6 hanggang alas-730 ng gabi, Monday to Friday- ang Santos-Sotto, iisa ang adhikain na maghatid ng totoo. Totoong balita at impormasyon sa kanila.” ani Ali.

Nagsimula naman si Alex Santos bilang isang baguhan at batang tv reporter, mamamahayag, news editor at director sa Davao. Ngunit sa kanyang taglay na galing at talino, dinala siya ng kanyang talento sa mga kilala ring himpilan ng radyo at telebisyon ng bansa. Isa na siya sa mga pinakarespetadong news anchor sa industriya ngayon. 

Sa isang sit down interview kasama ni Ali kamakailan, ipinahayag ni Alex ang kanyang pasasalamat sa pagsama ni Ali sa Mata ng Agila Primetime.
“Maraming salamat Ali, at tinanggap mo ang trabahong ito dahil alam kong ang tambalang Alex-Ali ay maghahatid ng totoong balita at inaasahan ko rin na magtatagal ang samahang ito.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang saloobin sa pagbabalik sa pagiging news anchor ng isang malaking programa, ito ang nasabi ni Ali.

“Tinatanaw ko ito bilang isang napakalaking pribilehiyo na nabigyan akong muli ng pagkakataon ng ating mga kababayan na muling makapagsilbi sa kanila gabi-gabi. Nagpapasalamat po ako sa tiwala ng NET25 management, nang ako po’y piliin at alukin na makasama ko kayo tuwing gabi sa paghahatid po ng pinakatotoong balita.”

Mula sa himpilan na naghahatid ng MATAtag, MATApang at MATApat na pagbabalita, 
mapapanood na sina Alex Santos at Ali Sotto sa MATA NG AGILA PRIMETIME. Mula Lunes hanggang Biyernes. Alas-6 hanggang alas-730 ng gabi sa NET25 at sa lahat ng NET25 livestreaming platforms sa Facebook at sa YouTube. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!