Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

by Mildred A. Bacud

Jampacked ang crowd ng Viva Cafe last Tuesday dahil finally ay ipinakilala na rin ang all male group na  Magic Voyz na under  Viva Records at LDG Productions.

Maganda ang response ng mga manonood. Mahusay kasi silang magperform on stage at in fairness marunong sumayaw at kumanta. Para rin kaming nanood ng concert.
Ang grupo ay  binubuo ng nima Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at si Johan Shane. Hindi lang sila palaban sa kantahan kundi mahusay rin sila  sa sayawan at kadyutan. Bilang baguhan sa pagpe-perform pasado na sila at may potensyal na lalong gumaling. 
 Sina Jhon Mark , Juan Paulo Calma at  Mhack Morales ay  nagbida na sa Vivamax. 

Sina Jace at Johan ay pambato nila sa kantahan . Takaw-pansin ang dalawa  nang kantahin nila ang ‘Maybe This Time.’ 
Sa  naturang launching at show  ng grupo ipinalabas ang music video ng first single nila na ‘Wag Mo Akong Titigan.’ Madaling tandaan ang lyrics, nakaka-lss  at kantahin.
Sumuporta rin  at nag-perform ang ibang talents ni Lito gaya nina Robb Guinto, Krista Miller, Yda Manzano, Ayah Alfonso at Marian Saint. Bumisita rin ang ilang Vivamas stars na sina Marco Gomez at Itan Rosales. Namataan din namin si Jay Manalo, Marlon Mance atbp.  

Samantala, sobrang happy  ang kanilang talent manager na si Lito de Guzman  sa naganap na launching ng  Magic Voyz. Na-miss  na raw  niya ang mag-manage ng grupo kaya binuo niya ang grupong ito . Siya ang manager ng sumikat na ‘Baywalk Bodies,’ ‘Wonder Gays,’ ‘Milkmen’ at ‘Batchmates’.
 
Sey niya, “nakaka-miss ulit ang mag-manage ng grupo. Sing and dance talaga ang challenge ko sa buhay. Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip bakit hindi ako mag-training ng mga boys na nag-lead na sa mga movies.”

 “Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. Ang packaging, sexy actor pero may talent, marunong kumanta, sumayaw aside from acting,” saad pa ng talent manager.
 
 Bakit Magic Voyz ang napili niyang name ng group?
 
“Magic Voyz kasi inpired ang name nila sa Magic Mike,” sambit ni Mother Lito.
 Bukod sa “Wag Mo Akong Titigan”  ire-release na rin ang kanta nilang “Bintana” mula sa komposisyon ng miyembrong si Johan .
 
For booking ang inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz   sa kanilang Facebook  page. Maaari ring tawagan  sa Viva Artists Agency  at  cell number na  09178403522.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry