Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical
By Mildred Amistad Bacud Bukod sa pagpoproduce ng pelikula at pagdidirhe, pinasok na rin ni Nijel de Mesa ang mundo ng teatro. Bakit naman hindi, dito naman talaga nagsimula si direk. Isa sa mga unang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na “Subtext,” na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature. Naimbitahan kami para manood ng nasabing musical play last Saturday. Sa totoo lang ay naaliw kami sa kuwento, sa mga nagsipaganap at sa script ng Subtext. Binalik kami ng nasabing palabas nung mga panahong nagsisimula pa lamang ang mga cellular phones. Ang kuwento ng Subtext, the Musical ay umiikot sa mga pagsubok sa pakikipag-relasyon at komunikasyon. Kasama sa mga naunang cast sa pelikula noon ang mga bantog at kilalang artista na tulad nina Victor Neri, Soliman Cruz, Lou Veloso, Harlene Bautista, Paolo Contis, Ciara Sotto, Boboy Garovillo, at Nova Villa. Ngunit sa kasalukuyang bersiyon na i...