Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical

By Mildred Amistad Bacud

Bukod sa pagpoproduce ng pelikula at pagdidirhe, pinasok na rin ni Nijel de Mesa ang mundo ng teatro. Bakit naman hindi, dito naman talaga nagsimula si direk. Isa sa mga unang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na “Subtext,” na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature. 

Naimbitahan kami para manood ng nasabing musical play last Saturday. Sa totoo lang ay naaliw kami sa kuwento, sa mga nagsipaganap at sa script ng Subtext. Binalik kami ng nasabing palabas nung mga panahong nagsisimula pa lamang ang mga cellular phones. 
Ang kuwento ng Subtext, the Musical ay umiikot sa mga pagsubok sa pakikipag-relasyon at komunikasyon.

Kasama sa mga naunang cast sa pelikula noon ang mga bantog at kilalang artista na tulad nina Victor Neri, Soliman Cruz, Lou Veloso, Harlene Bautista, Paolo Contis, Ciara Sotto, Boboy Garovillo, at Nova Villa.
Ngunit sa kasalukuyang bersiyon na ito na isang musical ay tiyak na magugustuhan ng mga magkasintahan at pati na rin ang mga single ngayong buwan ng pag-ibig (sa Pebrero)! Ang “Ayoko Na, Talo, Ewan Ko, Meron Din Kaya, Ayoko na Hindi Ikaw” ay ilan lamang sa mga bagong orihinal na kanta na isinulat mismo ni Direk Nijel para sa dula, at ang mga musical arrangements ay ginawa ni Jopper Ril.

Ang touring musical na ito ay dapat abangan ng ating mga kababayan abroad!

Ang premiere cast ng musical version na ito ay kinabibilangan nina Shane Santos, Cherry Morena, Ced Recalde, Karl Tiuseco, Gaye Angeles, at Jiro Custodio mula sa NET25’s Star Kada. Produced ng “One Acts Theater” division ng NDMstudios ang “Studio Run” na ito.

Huwag palampasin ang kanilang natitirang performances sa Pebrero 1, 8, at 15, 2025, alas-7 ng gabi sa Sikat Studios Main Hall sa 305 Tomas Morato, Quezon City.

Para sa mga tiket, mag-text o tumawag kay Ms. Junna Marie sa 09062266750.




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Malditas In Maldives, tumanggap ng papuri sa Japan