Arnold Reyes, binahagi ang sikreto ng pagiging tagumpay na aktor

(ni Mildred Bacud)

Grateful ang award winning actor na si Arnold Reyes na sa tagal niya sa showbiz ay patuloy ang pagbibigay sa kanya ng opurtunidad.


Sa tanong kung ano ang sikreto ng longevity niya sa showbiz aniya ay ang pagmamahal daw sa kaniyang craft.

Pero tulad ng ibang artista ay naranasan rin niya ang matarayan ng kapwa artista.

"May Isang eksena ako sa isang show. Yung eksenang 'yun nasaksak ako para hindi ko masabi yung katotohanan. Sabi nung lead actress, hindi niya ako tinitighan  ha, tapos biglang sabi niya na pwede ba huwag Mo muna akong hawakan kasi marami kang dugo."

Napatanong na lang daw ang aktor sa sarili kung paano niya bibitawan ang linya kung hindi niya hahawakan ang aktres sa eksena.  Kaya naman ginawa pa rin niyang hawakan ito.

Pero ano pa man daw ang mga naranasan sa showbiz ang importante aniya ay patuloy na binibigay niya ang best niya sa bawat proyektong ino-offer sa kaniya at nagkataon daw na gusto niya ang mga trabahong  binibigay sa kaniya.

" Yung mga VMX ko ngayon, medyo character-driven, e,
Parang yung sa Donselya, gustung-gusto ko yon. Kasi, ang ganda ng tema nung istorya.

“Yung Paalam, Salamat with Tita Ruby, gusto ko yung drama. Nakakatuwa na first time kong nakatrabaho si Tita Ruby nang ganun katindi ang mga eksena.

“Siyempre, honored din ako. Ruby Ruiz yan, di ba?”

Kabilang pa sa VMX projects ni Arnold ang Iskandalo, Secrets of A Nympho, at Lagaslas.

Marami pa raw gusting patunayan ang aktor.

" Bilang isang aktor, parang gusto kong i-maximize lahat ng puwede kong gawin sa lifetime na ito.

“Kasi siyempre, di ba, parang ito ang ibinigay ng Diyos sa akin na talent.

"Gusto kong magamit lahat, at gusto ko, pag tumanda na ako, looking back, parang, ‘Uy! Andami ko palang magaganda ring ginawa."

Huling serye ni Arnold Reyes sa Kapuso afternoon drama series ang Akusada na pinagbidahan ni Andrea Torres na nagtapos na rin. Napurinsiyabng mga manonood sa naging acting performance niya rito.

“Thank you, grabe. Every time na sinasabihan ako na maganda yung ginawa ko sa Akusada, na sobrang natutuwa ako, kasi, ang hirap!," pagkatapos pa ni Arnold.

Kamakailan lang ay nakatanggap na naman ang aktor ng Best Performance By A Supporting Actor sa 21st Gawad Tanglaw Para Sa Sining At Kultura na magaganap ang awarding sa Dec. 17 at personal itong tatanggapin ni Arnold.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shane, gustong makilala sa sariling bansa

Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical