Shane, gustong makilala sa sariling bansa
Isa na namang nangangarap na maging singer at makilala sa sariling bansa ang tinutulungan ng magaling na kompositor na si Vehnee Saturno. Siya ay si Shane na kasalukuyang nagpopromote ng kaniyang single na "My Boy," under Vehnee Saturno Music."
Ipinanganak at lumaki sa Canada ang 16-year-old na si Shane at nangangarap maging versatile singer.
Tinanong siya ng press people na maroon kung paano nga ba siya napunta sa pangangalaga ni Vehnee.
" It really started when I join JDL Performing Arts back in canada. In 2022 Josie de Leon recommended me to sir Vehnee Saturno and i'm very happy about that."
Ang better half naman ng kompositor na si Nadine Roxas ang siyang magical coach sa kaniya. Nakagawa na rin daw si Shane ng dalawang original songs kung bata pa siya sa Canada.
Nang tanungan naman mag kaniyang musical influences sey niya , " I idolize Mariah Carey Whitney and Whitney Houston. Samantalang sa local artist ay hinangaan raw niya ang Bini. Kung bakit?
" We're almost of the same age and i know we could have the same fan base and maybe help each other grow."
Bata pa raw si Shane ay nakilala na siya ni Vehnee at nakitaan ng potensyal hindi pa lamang Tamang pagkakataon.
" Syempre at 9 years old limitado pa ang kantang pwede niyang gawin like hindi pa naman siya pwedeng mag love song noon.
" Now that she is 16 we have a song na hindi lang bagay sa kanya kundi for the gen z market din.
" Actually "My Boy" is a Darren Espanto original song na may title na "My Girl ," that was never released as a single but you'll never know it once you put it side by side Shane's version.
Ibang iba na raw ang version ni Shane na umaalma sa sarili nitong estilo. Vocally ay may ibubuga raw ang dalaga.
Sang-ayon naman kami do'n dahil on the spot ay kumanta siya ng " Forever Is Not Enough," ni Sarah Geronimo at napabilib kami sa taas ng boses niya.
Nang tanungin naman kung sino ang gustong makapareha ni Shane sa kaniyang music video, Anita ay si Donny Pangilinan.
Mensahe naman ni Vehnee para Kay Shane.
" We have high hopes for Shane. She's very determined and works hard. I hope we could all help make her dreams come true."
" Kami naman we always support artist na gustong maka matupad ang kanilang pangarap at lagi naman suntok sa buwan ang pagpasok sa industriya sa showbiz pero 'pag hindi mo naman sinubukan hindi naman natin malalaman.
(Ni Mildred Bacud)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento