Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2025

Arnold Reyes, binahagi ang sikreto ng pagiging tagumpay na aktor

Imahe
(ni Mildred Bacud) Grateful ang award winning actor na si Arnold Reyes na sa tagal niya sa showbiz ay patuloy ang pagbibigay sa kanya ng opurtunidad. Sa tanong kung ano ang sikreto ng longevity niya sa showbiz aniya ay ang pagmamahal daw sa kaniyang craft. Pero tulad ng ibang artista ay naranasan rin niya ang matarayan ng kapwa artista. "May Isang eksena ako sa isang show. Yung eksenang 'yun nasaksak ako para hindi ko masabi yung katotohanan. Sabi nung lead actress, hindi niya ako tinitighan  ha, tapos biglang sabi niya na pwede ba huwag Mo muna akong hawakan kasi marami kang dugo." Napatanong na lang daw ang aktor sa sarili kung paano niya bibitawan ang linya kung hindi niya hahawakan ang aktres sa eksena.  Kaya naman ginawa pa rin niyang hawakan ito. Pero ano pa man daw ang mga naranasan sa showbiz ang importante aniya ay patuloy na binibigay niya ang best niya sa bawat proyektong ino-offer sa kaniya at nagkataon daw na gusto niy...

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

Imahe
ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) sa local rice supply chain sa Siapo Elementary School sa Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro — na nagpapakita na ang paglago at makabuluhang pag-unlad ay maaaring maging reyalidad kapag ang ahensiya ng pamahalaan at ang komunidad ay nagkaisa. Ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU)  sa pagitan ng National Food Authority (NFA) at ng Department of Agriculture’s Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA‑4K) program ay isinakatuparan bilang suporta at  market access para sa palay na mula sa komunidad ng IP na saklaw ng ancestral domains. Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa nasabing seremonya sina Garizaldy Bontile ng NFA Central Office, NFA Occidental Mindoro Assistant Branch Manager Kathlyn M. Gonzales; DA APCO Eddie D. Buen; DA-4K Director Gilbert V. Baltazar; Provincial Agricultural Officer Engr. Alrizza Zubiri; Municipal Agriculture O...

Jojo Mendrez at Mark Herras nagkabalikan?

Imahe
(Ni Mildred Bacud) MAY mga naglalabasan na video raw na Director’s Cut ng music video ng Revival King  na si Jojo Mendrez. May nagtsika na nakita raw si Mark Herras kamakailan na nasa Batangas, kung saan ginagawa ang Music video roon ni Jojo sa isang yayalaning  resort. May nagsasabi na kasama si Mark sa music video ni Jojo.  Kung akala natin ay tapos na lahat ang tsismis sa kanila hindi pa pala. Dahi spotted  na naman sila na  magkasama? How true? Tulad ng Christmas song ni Jojo na " Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin,"  naku, andaming napapatanong kung para ba sa aktor ang kantang ito. Kikiligin lalo na ang mga MARJO, ang Mark Herras and Jojo Mendrez fans. May nagleak na nga raw na video bagama't hindi pa ito nilalabas ng kampo ni Jojo. Excited kami na mapanood ang nasabing video at marami talaga ang nag-aabang dito.