Mygz Molino, tatanggap ng award sa Davao; Patuloy ang pagtulong sa mahihirap
Patuloy lang sa pagbibigay tulong ang sikat na social media influencer at youtuber na si Mygz Molino. Sa kaniyang content mas lumawak pa nga ang kaniyang network. Ilang mga kababayan na rin nating hikahos ang umiyak sa pagpapasalamat kay Mygz. Ang pinakahuling natulungan ni Mygz ay si tatay Ramil na may kapansanan sa paa.Sa kabila nito ay namamasada pa rin gamit ang ebike. Dahil sa kahirapan ay iniwan ng asawa. Pangarap daw ni tatay ang mapag-aral ang anak. Sa kakurampot na kinikitang 150 kada araw ay kulang pa raw sa pagkain. Kaagad namang nagbigay ng 2 sakong bigas at 2 balde ng biscuits si Mygz, pero hindi lang yun. Dahil pangarap ni tatay ang makapagpatayo sana ng maliit na tindahan, ay nagbigay pa ang actor/vlogger ng cash na siyang gagamitin nito sa negosyo. Ganun na lamang saya ni tatay Ramil. Hindi naman nakalimot si Mygz magpasalamat sa mga OFW's na nag-iisponsor sa kanya. Aniya ay instrumento lamang siya ng may mga mabubuting loob. Mag...