Awitin ni Sarah, pasok sa masa; Happy Anniversary song, handog sa asawa

(By Mildred A. Bacud)

Natutuwa naman kami sa slowly but surely na career ni Sarah Javier.  Lately ay dumarami ang kaniyang projects. From her guesting sa Music Box last July 31 with son Jacob, fiesta events at kamakailan lang sa isang cable channel Ng Kapamilya network, Ang Pie Channel. 

Last month ay lumabas na rin nag kaniyang latest single na " Happy Anniversary. Ito Ang unang composition ni Sarah at inarrange ni Elmer Buencaflor.

" Labas na siya sa lahat ng streaming platforms, Spotify, itunes at iba pa. "
Espesyal ang naturang awitin dahil alay niya ito sa asawang si Jay at sa lahat daw ng married couple. 

" I'm celebrating 25th year of marriage. It's another milestone for us. It's about celebrating love. Positive siya. "

" Pero kung bakit tumagal, nasa mag-asawa na yun. It's not perfect pero napagdaanan namin in a test of time Yung pagmamahal na 'yun.

Una naming narinig ng live Ang "Happy Anniversary" song na ito ng magguest si Sarah sa Music Box at maraming nagandahan sa kanta. Bago sa pandinig pero may recall agad . Hindi kami magtataka kung bakit lahat ng mga taga PSF ni direk Vince Tanada ay katuwaang inaawit ito sa isang kainan sa Quezon City matapos manood ng premiere Ng pelikulang Katips. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!