Mygz Molino, tatanggap ng award sa Davao; Patuloy ang pagtulong sa mahihirap
Patuloy lang sa pagbibigay tulong ang sikat na social media influencer at youtuber na si Mygz Molino. Sa kaniyang content mas lumawak pa nga ang kaniyang network. Ilang mga kababayan na rin nating hikahos ang umiyak sa pagpapasalamat kay Mygz.
Ang pinakahuling natulungan ni Mygz ay si tatay Ramil na may kapansanan sa paa.Sa kabila nito ay namamasada pa rin gamit ang ebike. Dahil sa kahirapan ay iniwan ng asawa.
Pangarap daw ni tatay ang mapag-aral ang anak. Sa kakurampot na kinikitang 150 kada araw ay kulang pa raw sa pagkain.
Kaagad namang nagbigay ng 2 sakong bigas at 2 balde ng biscuits si Mygz, pero hindi lang yun. Dahil pangarap ni tatay ang makapagpatayo sana ng maliit na tindahan, ay nagbigay pa ang actor/vlogger ng cash na siyang gagamitin nito sa negosyo. Ganun na lamang saya ni tatay Ramil.
Hindi naman nakalimot si Mygz magpasalamat sa mga OFW's na nag-iisponsor sa kanya. Aniya ay instrumento lamang siya ng may mga mabubuting loob. Magaan din sa pakiramdam niya ang pagtulong.
Hindi naman kami magtataka kung makatanggap ng maraming awards si Mygz, isa na rito ang Dangal ng Lahi Awards 2022 bilang Most Outstanding Social Media Influencer of the Year. Gaganapin ito sa Waterfront Hotel, Davao City this October 28.
Talaga naman bongga dahil sasamahan siya ng kaniyang mga tagahanga sa pangunguna ni Glorietta Gerio ng Forever Fan Girls of Mygz Molino.
Bukod dito ay malapit na rin magshooting at magtaping si Mygz sa telebisyon at pelikula.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento