Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2022

Mga bagong shows ng MPJ Network mapapanood na sa Kumu at Youtube

Imahe
( Ni Mildred Bacud) Humarap sa press people ang mga talents ng MPJ Network dahil this September 29 ay magsisimula na ang tatlong shows nila. Mapapanood ang mga ito sa number one online streaming sa bansa, ang Kumu at You Tube Premium.  Sa direksyon ni Perry Escaño, magsisimula ang “Kids Toy Kingdom”, hosted by singer Hannah Ortiz at si Tom Leaño, at 6 p.m., with guests Iverson Santos and Aldrin Angeles. Susundan naman ito ng “Millennials Lifestyle”, hosted by singer Sofi Fermazi, Chesca Orolfo, Archie Alcantara and Lyra Sloan, 7 p.m.Pilot guest si Marie Preizer.  8 PM naman mapapanood “Simply Exquisite” hosted by Nicky Gilbert . Guests naman sina Aldrin Angeles at Pearl Gonzales. Ang mga host sa tatlong show ay exclusive contract artists ng MPJ Angels Artists’ Pool, managed by Direk Perry katuwang si Ms. Noreen “Mommy Angel” Espejon, former handler ng Ex Batallion at ni Kuh Ledesma

Bigating mga bagong shows ng Net 25 mapapanood na

Imahe
(Ni Mildred A. Bacud) Face to face ang naging mediacon ng Net 25 para sa pagpapakilala ng mga bago nilang shows. Pero ang mga astistang kabilang sa mga shows ay nainterview ng press people via Zoom bilang pag-iingat na rin dahil hindi pa rin naman natatapos ang covid. Dumaan pa rin kami sa pagpapa-antigen para siguruhin ligtas ang lahat.  Ang Sales and Marketing Director ng Eagle Broadcasting Net 25 ang nagpakilala sa mga shows. Naroon din to support si si Ms. Wilma Galvante na nasa nabanggit na istasyon na rin.    Narito ang mga bagong shows ng Net 25  ANO SA PALAGAY N’YO (Year 2) Hosted by Ali Sotto at Pat P. Daza. Current events ang tinatalakay dito. Layunin ng programa na gumawa ng mga programang magbibigay sa mga Pilipino ng impormasyon at serbisyo publiko. Sa loob ng isang taon, ang teleradyo program nito na ‘Ano Sa Palagay N’yo’ (ASPN), ay patuloy na nagbibigay ng katotohanan sa likod ng mga balita. Sa pangunguna nga ng mga beteranang komentarista na sina Ali

The Miranda Bomb ni direk Njel de Mesa, mapapanood na sa YouTube at Facebook

Imahe
By Mildred A. Bacud Naimbitahan kami sa preview ng political thriller na The Miranda Bomb ni direk Njelnde Mesa sa NDM Studios.  Ang nasabing short film ay halaw sa  mga  ibinunyag nina Victor Corpus at Ruben Guevara tungkol sa isang foreign correspondent na nakakalap ng impormasyon sa mga taong nais pabagsakin ang noo’y rehimen ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sabi ni direk Njel, “Basically ang gusto ko lang sabihin bilang filmmaker, di ba noong nakaraang halalan, napaka-polarized natin. Di ba ang panawagan, magkaisa tayo. Gusto ko lang malaman ng mga tao, bakit ba tayo nagkakahiwalay?Kelan ba tayong huling nagkahiwalay sa pulitika? Gusto kong makita nila iyon kung paano tayo magkakasundo.” Bida sa pelikula si Cheska Ortega Kasama pa sina Paolo Paraiso, Ivan Padilla, Suzette Ranillo, Johnny Revilla, Shaneley Santos at Cay Cujipers. Bilang suporta sa short film ay naroon ang pamilya ni Cheska. Present din ang kontrobersyal na si Atty. Larry Gado

Katips ni Vince Tanada, isang malaking tagumpay sa Dubai

Imahe
By Mildred A. Bacud Walang mapaglagyan ang kasiyahan ng Famas Best Director at Actor na si Vince Tanada dahil sa tagumpay ng pelikulang Katips. Kasalukuyang nasa Dubai ang grupo para sa world premiere ng naturang pelikula. Sa kaniyang post st Facebook ay nagpasalamat si Vince sa mga organizers ng bawat screening.  " A post of gratitude. Sobrang saya at successful ng Dubai at Abu Dhabi premiere dahil sa Bayanihan Spirit ng ating mga kababayan na nagtulong-tulong para sa ambitious project na ito. Syempre sa mga Volunteers from Dubai na sina Alena Rodriguez Tina Cris Brianito Vergara , Lenny Belardo  Albert, Ron, Eden, Olive, First Concept Events Production Lolie and Nesty, Rammie Garcia , Albert Santos Gayo , to our Abu Dhabi supporters, my College Friend Liza Suba-Elep and family , Doc Joey Villanueva and Family. To our sponsors in Dubai and Abu Dhabi, Club Seven in Park Regis Hotel, Forever Rose London by @Ebraheem Al Samadi, Brian and Vhon for Armani Hotel