Bigating mga bagong shows ng Net 25 mapapanood na


(Ni Mildred A. Bacud)

Face to face ang naging mediacon ng Net 25 para sa pagpapakilala ng mga bago nilang shows. Pero ang mga astistang kabilang sa mga shows ay nainterview ng press people via Zoom bilang pag-iingat na rin dahil hindi pa rin naman natatapos ang covid. Dumaan pa rin kami sa pagpapa-antigen para siguruhin ligtas ang lahat. 

Ang Sales and Marketing Director ng Eagle Broadcasting Net 25 ang nagpakilala sa mga shows. Naroon din to support si si Ms. Wilma Galvante na nasa nabanggit na istasyon na rin. 
 

Narito ang mga bagong shows ng Net 25 

ANO SA PALAGAY N’YO (Year 2)
Hosted by Ali Sotto at Pat P. Daza. Current events ang tinatalakay dito. Layunin ng programa na gumawa ng mga programang magbibigay sa mga Pilipino ng impormasyon at serbisyo publiko. Sa loob ng isang taon, ang teleradyo program nito na ‘Ano Sa Palagay N’yo’ (ASPN), ay patuloy na nagbibigay ng katotohanan sa likod ng mga balita. Sa pangunguna nga ng mga beteranang komentarista na sina Ali at Pat, inilalahad nila ang kanilang makabuluhang komentaryo at pagsusuri sa mahahalagang pangyayari, isyu at personalidad. Salungat sa nakasanayan nating male dominated radio talk genre, kapansin-pansin ang kanilang atensyon sa maliliit na detalye. 
Nananatili ring bukas ang linya ng komunikasyon ng programa para sa mga ahensya ng gobyerno, non- government organizations at pribadong sektor upang makuha ang bawat anggulo at ihatid sa kanilang tagapakinig at manonood. 
Sa kanilang ikalawang taon, ginagarantiyahan ng Team ASPN na patuloy nilang bibigyan ng tamang impormasyon ang mga manonood at tagapakinig sa magaan ngunit sa paraang nagbibigay-kaalaman. 

Alamin ang mga detalye sa likod ng bawat balita tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga. 


TARA GAME AGAD-AGAD 
Isa pa sa aabangan ay ang new season ng game show ni Aga Muhlach na “Tara Game Agad-agad Level Up” na may mas marami at malaking pa- premyo. 

TARA GAME AGAD-AGAD LEVEL UP ay ang natatanging game show na pwede kang manalo kahit hindi mo alam ang sagot. Ito lang ang game show kung saan nag-uunahan ang contestants sa pagpindot ng buzzer at ipasa ang tanong sa kanilang kalaban. At ang nag-iisang game show na ipapakita ang posibleng mga sagot bago ang tanong!

Makikisaya din sa bagong season ang dalawang magagandang co-hosts. Makakasama ni Aga ang Tik Tok star na si Yukii Takahashi, at ang ating favorite Brazilian host at aktres na si Diana Menezes, na magpapalaro ng instant TGAA LEVEL UP games at magbibigay ng surpersa sa publiko.

Sabi nga, ‘Agad-agad ang kasiyahan, Agad-agad ang papremyo” kaya naman manood na ng bagong season ng Tara Game, Agad- agad dahil marami pa silang nilulutong surpresa para sa atin.

Simula October 17, mapapanood ang mga bagong episode tuwing Linggo, alas siyete ng gabi. 
 
MOMENTS
Nitong Setyembre, ipinagdiwang ng programang Moments ang ika-16na anibersaryo. Ito ang NET25’s longest running talk show. 16 na taon ng bonding moments kasama ang host nito--- ang aktres at ultimate mom na si Gladys Reyes.
Sa bago nitong season, siniguro ng Moments na may bago silang inihandang surpresa na tatatak sa puso ng bawat pamilya. Abangan ang “Chikat” or Chikahan with sikat, “Moment ko ‘to” kung saan icha-challenge ng guests si Gladys, at ang “Kusina Moments” na magbibigay ng kitchen hacks.
Manood na ng Moments kasama ang buong pamilya tuwing Linggo alas kwatro ng hapon.

KORINA INTERVIEWS

Magiging bahagi na rin ng NET25 family ang batikang broadcast-journalist Korina Sanchez-Roxas dahil mapapanood na sa naturang network ang kanyang pinakabagong lifestyle show na “Korina Interviews”. Isa itong programa na magbibigay ng masaya, malaman, at makabuluhang talakayan kasama ang mga kilalang personalidad.Makakakwentuhan ni Korina ang kanyang guests tungkol sa kanilang kabataan, ang kanilang mga tagumpay at kabiguan, mga libangan at buhay pag-ibig. Sa bawat episode, dadalhin ng Korina Interviews ang kanilang viewers sa mundo kung saan matutuklasan ang realidad, mga hamon ng buhay at ang sikreto ng tagumpay. Magkakaroon sila ng isang buong oras na puno ng kwento at aral sa buhay. Ang Korina Interviews ay magisisimula na ngayong October 2(Linggo), 5pm


OH NO. IT’S BO (BIRO ONLY) 

Sa papasok na Season 3 ng gag show na ‘Oh No, It’s BO (Biro Only)’, hatid nito ang walang tigil na katatawanan. Mapapanood sa Oh No, It’s BO ang mga pranks sa mga ordinaryong Pinoy.
Anong bago sa Season 3? Makakasama na bilang pranksters ang mga sikat at hinahangaan nating Tiktokers na sina Niko Badayos, E.L Mendoza at kumu Livestreamer na si Jai Gonzales. At sa mga nanonood lang sa kani-kanilang probinsya, humanda na kayong ma- prank dahil ang team ‘Oh No It’s BO’ ay lilibot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para magdala ng saya sa lahat. Malay mo ikaw na ang susunod nilang target.
Mapapanood ang ‘Oh no, It’s BO’ tuwing Sabado, alas otso ng gabi.


LOVE, BOSLENG AND TALI

Hindi tumitigil ang NET25 sa pagbuo ng bago at dekalidad na mga programa. Isa sa pinakabagong dagdag sa lumalaking pamilya ng NET25 ay angSotto Family na bida sa programang Love, Bosleng & Tali. Mas magiging masaya na ang inyong Linggo kasama ng beteranong komedyante na si Vic Sotto kasama ang kanyang asawa na si Pauleen at kanilang anak na si Tali. Iba-ibang istorya ang ating aabangan tuwing Linggo ng alas sais ng hapon. 
Tutulungan nila Bosleng &Tali ang isang letter sender kung saan magbibigay sila ng payo sa buhay. Bawat episode ay ipapakita ang mga isyu na malapit sa ating puso: pamilya, buhay pag-ibig, trabaho at pagkakaibigan. Asahan na magiging nakakatawa ang life lessons at siguradong makaka-relate ang bawat Pilipino.

ANO’NG MERON KAY ABOK?

Ngayong October 1 ay mapapanood na ang pinakabagong sitcom na “Ano’ng Meron Kay Abok” na pagbibidahan ni Empoy Marquez (Abok) at Alexa Miro (Juliet). Tungkol ito sa dalawang dating magkasintahan na kung kailan napagusapan ang kasal ay susubukin ng tadhana. Nag-abroad si Abok sa South Korea para sa opportunidad na matupad ang kanyang pangarap na mapansin ng kaniyang ini-idolong k-pop superstars. Samantalang si Juliet naman ay ipinagpatuloy ang gotohan ng kanyang tatay nang ito ay mawala. Bukod sa kanila, makikisaya sa kuwento ang kapatid ni Juliet na si Jannie at ang best friend niyang si Annette na pamangkin naman ni Abok. Sabay silang iibig sa isang tricycle driver na si Tisoy. Dito natin malalaman kung alin kaya ang matimbang, ang best friend o ang puso?
Pagkatapos ng limang taon, bumalik si Abok sa Pilipinas para balikan si Juliet na ngayo’y mayroon nang bagong kasintahan, ang gwapo at mayamang si Doc Willy na doctor sa kanilang barangay, na walang inatupag kundi ang tumulong sa nangangailangan. Kaya naman ang lahat ng taga roon ay boto kay Doc Willy pero, bakit kaya parang naguguluhan si Juliet pag nandyan si Abok?
Ano’ng Meron Kay Abok? Alamin natin yan tuwing Sabado alas siyete ng gabi!




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry