The Miranda Bomb ni direk Njel de Mesa, mapapanood na sa YouTube at Facebook

By Mildred A. Bacud

Naimbitahan kami sa preview ng political thriller na The Miranda Bomb ni direk Njelnde Mesa sa NDM Studios. 

Ang nasabing short film ay halaw sa  mga  ibinunyag nina Victor Corpus at Ruben Guevara tungkol sa isang foreign correspondent na nakakalap ng impormasyon sa mga taong nais pabagsakin ang noo’y rehimen ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sabi ni direk Njel, “Basically ang gusto ko lang sabihin bilang filmmaker, di ba noong nakaraang halalan, napaka-polarized natin. Di ba ang panawagan, magkaisa tayo. Gusto ko lang malaman ng mga tao, bakit ba tayo nagkakahiwalay?Kelan ba tayong huling nagkahiwalay sa pulitika? Gusto kong makita nila iyon kung paano tayo magkakasundo.”
Bida sa pelikula si Cheska Ortega Kasama pa sina Paolo Paraiso, Ivan Padilla, Suzette Ranillo, Johnny Revilla, Shaneley Santos at Cay Cujipers. Bilang suporta sa short film ay naroon ang pamilya ni Cheska. Present din ang kontrobersyal na si Atty. Larry Gadon, ang aktres na si Ynez Veneracion at Sanya Lopez.

Mapapanood na "Ang The Miranda Bomb," sa NDM YouTube Channel at NDM Studios  Facebook Page. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry