Sandro Marcos bumuwelta sa mga pahayag ni Sara
by Rodel Fernando BINASAG na ng presidential son at Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang kanyang katahimikan at rumesbak kaugnay ng mga kontrobersiyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte. Kasunod ito ng mga pagbatikos ni Duterte, na inihayag niyang naisipang pugutan ng ulo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nagbantang hukayin ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. upang itapon sa West Philippine Sea (WPS), nagpahayag si Rep. Marcos ng kanyang opinyon. Sa isang inilabas na statement, sinabi ni Sandro Marcos na nanahimik siya bilang respeto sa mandato at responsibilidad ng Pangalawang Pangulo. Gayonman, idiniin niyang bilang anak, hindi niya kayang manahimik sa gitna ng mga banta laban sa kanyang ama at sa mga pahayag na naglalayon ng panghihiya sa mga yumaong mahal sa buhay. “I cannot stay silent while she threatens to exhume a former president and behead an incumbent one," ani Rep. Marcos. Dagdag pa n...