Rhian Ramos, piniling mag-charity sa birthday

by Mildred Amistad Bacud

Naimbitahan tayo sa birthday ng aktres na si Rhian Ramos last October 3. Instead of a big celebration ay pinili niya ang isang charity event sa Maynila.  Imbes na siya ang reregaluhan ay siya ang namigay sa 20 solo parents ng pangkabuhayan na siomai foodcart.  34 na si Rhian at nais raw niyang maging makabuluhan ang kaniyang kaarawan. Present din ang kaniyang boyfriend na si Representative Sam Versoza na tumulong maisakatuparan ni Rhian ang wish niyang ito sa kaniyang kaarawan. 
Samantala tinanong namin ang aktres na ang kaniyang pagtulong ba  tulad ng kaniyang nobyo ay hudyat na rin ng posibleng pagpasok niya sa pulitika sa hinaharap
.Mabilis na no ang kaniyang naging sagot. Hindi raw niya nakikita ang sarili sa mundo ng  pulitika. Masaya na raw siya sa showbiz.  Wala rin siyang balak pang magpakasal.  Focus muna sa career sahil maganda ang tinatakbo. Proud siya sa anim na proyektong nagawa niya this year mapapelikula at serye. Malaking achievements daw ito para sa kaniya at ito na ang birthday gift niya sa sarili. 
Bago naman ang charity birthday ng aktres. ay kinwento niya ang pa-surprise naman mg nonyong Sam sa kaniyang kaarawan. 

“Ilang beses niya kong nire-remind. So sabi ko, may pinaplano ‘to. Then, pagdating ko nga sa babay niya, madilim then, hayun may set-up, parang dinner kaming dalawa and sabi ko, puwede na ba akong mag-pajama? Wala naman darating, ‘no? And he said, okay. Kasi mahilig talaga ko na naka-pajama.

“After, bigla niya akong niyakap. Sobrang tagal. Kaya sabi ko, may something ‘to, kasi bakit ang tagal ng yakap niya. Then yun na, paglingon ko, nandon na ‘yung mga friends, family kaya sabi ko, naka-pajama pa ko.”

Itinanggi naman ni Rhian na nag-propose na at engage na sila ng nobyo sa bisperas ng kaniyang kaarawan.

Bongga rin naman ang career ni Rhian dahil sa taon na ito, nakagawa siya ng tatlong teleserye at anim na pelikula. Kabilang na rito ang ‘Royal Blood’ at ang ‘Sanggre’ na ipalalabas next year.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry