Sylvia Sanchez, dismayado sa kakaunting sinehan ng 'Topakk' pero laban lang
Nagbukas na kahapon, arsw ng kapaskuhan ang pagpapalabas ng lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF. Kahit maulan ay dinagsa pa rin ito ng manonood. Nasa Gateway kami kahapon para sa imbitasyon ng pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios at pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde at Julia Montes. Infairness puno at na sold out na rin ang mga sinehan kung saan pinalabas ito. Naroon din para mag-ikot ang actress/at producer na si Sylvia Sanchez. Dito ay na interview namin siya at binahagi ang pagkadismaya nung una dahil 36 lamang na sinehan ang nabigay sa kanilang pelikula. Kaya naman hindi na raw sila umasa pa na makakalaban sila sa topgrosser. Ano nga ba naman daw ang laban nila sa apat na pelikulang may mahigit 100 hanggang 200 cinemas na nakuhang mag-showing sa buong bansa. Pero imbes na mag-dwell raw sa sama ng loob si Sylvia ay laban lamang daw dahil naniniwala sila na maganda ang kanilang pelikula. " Wala akong masasabi sa mga artis...