Sylvia Sanchez, dismayado sa kakaunting sinehan ng 'Topakk' pero laban lang

Nagbukas na kahapon, arsw ng kapaskuhan ang pagpapalabas ng lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF. Kahit maulan ay dinagsa pa rin ito ng manonood. Nasa Gateway kami kahapon para sa imbitasyon ng pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios at pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde at Julia Montes.

Infairness puno at na sold out na rin ang mga sinehan kung saan pinalabas ito. Naroon din para mag-ikot ang actress/at producer na si Sylvia Sanchez. Dito ay na interview namin siya at binahagi  ang pagkadismaya nung una dahil 36 lamang na sinehan ang nabigay sa kanilang pelikula. Kaya naman hindi na raw sila  umasa pa na makakalaban sila sa topgrosser.  

Ano nga ba naman daw ang laban nila sa apat na pelikulang may mahigit 100 hanggang 200 cinemas na nakuhang mag-showing sa buong bansa.
Pero imbes na mag-dwell raw sa sama ng loob si Sylvia ay laban lamang daw dahil naniniwala sila na maganda ang kanilang pelikula. 

" Wala akong masasabi sa mga artista namin. Lahat ang huhusay
 Walang tapon. "

Narinig naman daw niya sa interview kay MMDA Chairman Atty. Don Artes ang paliwanag na hindi nila kontrolado ang mga sinehan sa mga probinsya. Ang sa Metro Manila lamang ang nako-control nila ang hatian ng mga sinehan.

Naiintindihan naman daw ito ni Sylvia na business is business pero sana naman daw ,ito man lang filmfest maging pantay-pantay sa isang taon lang. Pero hindi pala ganun ang sistema. Ngayon lamang daw nakita ito ng  actress/producer. 

Pero pag-uulit niya, umaasa na lamang sila na dahil  maganda naman ang kanilang pelikula ay madagdagan pa ang kanilang sinehan.
Bagay na atin  namang sinasang-ayunan dahil napanood na rin natin ang pelikulang ito ay masasabi nating dekalidad at papasa sa mga mahihilig sa action film at talaga namang mahuhusay ang mga artistang gumanap lalu na ang mga bidang sina Arjo at Julia.  (Mildred Bacud)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Malditas In Maldives, tumanggap ng papuri sa Japan