Julia Montes, napako sa shooting; Bilib kay Arjo Atayde
Julia Montes, napako sa shooting
####
Nahawa na nga yata
si Julia Montes na laging binibigay ang best sa mga buwis buhay scene ng nobyong si Coco Martin kapag gumagawa ng proyekto.
Paano ba kasi ay napako pala ito sa shooting ng pelikulang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.
Kwento napako ang tuhod niya sa isang eksena na kinailangan niyang lumuhod sa sahig.
At bilang professional actress, kahit napako na ay tinuloy pa rin daw ni Julia ang eksena.
Dagdag pa niya, “Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga characters. ‘Yun ‘yung first meetup namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay."
Nahiya naman daw i-cut yung eksena para sabihin na ‘teka lang napako siya . Ang ginawa na lamang daw niya ay nung hindi na nakatutok sa kaniya ang kamera ay hinugot na lang niya yung pako sa tuhod niya.
Nagpa-tetanus shot naman daw ang aktres pagkatapos no'n.
Nalaman daw naman ni Coco ang nangyari at naging proud ito sa kaniya. Lagi rin daw siya tinuturuan ng aktor tungkol sa safety tips.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento