Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2025

Opisyal ng DA at PRDP at maliliit na contractors biktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian na naglalayong sirain ang reputasyon ng matataas na opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Rural Development Program (PRDP). Ang sindikato ay gumagamit ng maling impormasyon at mga pekeng dokumento para mangikil ng malaking halaga ng pera sa mga kontratista at opisyal, panlilinlang sa publiko at sirain ang integridad ng mga programa ng gobyerno. Ang grupo ay pinamumunuan umano ng isang Baby S. (Linda Somera). Gumagamit umano si Somera at ang kanyang mga kasamahang sila Jorie Ebus ng mga gawa-gawang organisasyon, kabilang ang Samahang Magbubukid at Maralita ng Pilipinas (SMMP), para magsampa ng mga walang basehang reklamo laban sa mga opisyal ng DA at PRDP. Natuklasan sa mga pagsisiyasat na nabiktima ng grupo ang maraming kontratista sa pamamagitan ng paghingi ng bayad mula ₱2 milyon hanggang ₱5 milyon kapalit ng mga pekeng garantiya ng proyekto. Ilang kontratista ang l...