Vice Ganda at Ion Perez first time magkasama bilang Beautederm endorsers
(Ni Mildred Bacud)
Nasurpresa ang lahat nang ipakilala ni Rhea Anicoche Tan, CEO and President ng Beautederm bilang bagong endorser si Vice Ganda at kasama pa ang real life partner na si Ion Perez.
Nangyari ang malaking event na ito at contract signing last Monday, Nov. 17, sa Solaire North. Sila ang pinakabagong brand ambassador ng Belle Dolls healthy drink.
Ayon kay Vice Ganda, masayang-masaya siya na finally ay bahagi na siya ng Beautederm, pati na rin si Ion. Aniya ay matagal na silang magkakilala ni Miss Rei at magkatrabaho sa kanilang charities.
“We are just both very grateful to be part of this wonderful, unkabogable, phenomenal company, phenomenal family of Beautederm,” saad ni Meme Vice.
“Kahit wala kaming kontrata ng Beautederm at ni Rei, kahit hindi official ‘yung aming partnership, we have been working together for a very good cause for the society, for the community, for our kababayans,” Sey pa niya.
Dagdag pa ng ng Unkabogable Phenomenal Star, “hindi ito pera-pera lang dahil kahit walang TF nagtutulungan na kaming dalawa. Nakakatuwa lang na bonus na in-officialize namin ‘yung partnership namin. Wala kaming kontrata, wala kaming anything pero nagpapa-picture ako sa harapan ng logo ng Beautederm, nagpo-post ako sa kanya, maraming activations ko ang sinusuportahan niya.”
Magkatulong sina Miss Rei at Vice Ganda noon pa na nagpaparaal ng mga estudyanteng walang pantustos ng kanilang pag-aaral ay may mga napagtapos na sila.
Sabi naman ni Miss Rei, matagal na niyang pangarap na maging endorser si Vice at finally ay natuloy na at nasakto pa nga na birth month pa niya ngayong November.
“‘Pag si Lord talaga ang gumawa ng way, the Lord is always on time,” sey Ms.Rei.
“Eto na, siya na lang ang kulang. Sa dami ng A-listers natin, matagal ko nang dream na sana masama sa ‘kin si Achie (tawag niya kay Vice), tapos may bonus pa, napakabait ni Ion,” sabi pa ng magandang CEO ng Beautederm.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento