Opisyal ng DA at PRDP at maliliit na contractors biktima ng scammer
ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian na naglalayong sirain ang reputasyon ng matataas na opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Rural Development Program (PRDP).
Ang sindikato ay gumagamit ng maling impormasyon at mga pekeng dokumento para mangikil ng malaking halaga ng pera sa mga kontratista at opisyal, panlilinlang sa publiko at sirain ang integridad ng mga programa ng gobyerno.
Ang grupo ay pinamumunuan umano ng isang Baby S. (Linda Somera). Gumagamit umano si Somera at ang kanyang mga kasamahang sila Jorie Ebus ng mga gawa-gawang organisasyon, kabilang ang Samahang Magbubukid at Maralita ng Pilipinas (SMMP), para magsampa ng mga walang basehang reklamo laban sa mga opisyal ng DA at PRDP.
Natuklasan sa mga pagsisiyasat na nabiktima ng grupo ang maraming kontratista sa pamamagitan ng paghingi ng bayad mula ₱2 milyon hanggang ₱5 milyon kapalit ng mga pekeng garantiya ng proyekto.
Ilang kontratista ang lumantad, na sinasabing nalinlang at pinansiyal na sinira ng scam.
Isang contractor sa Mindoro umano ang namatay dahil sa matinding stress at frustration matapos dayain ng sindikato.
Nagpakalat din daw ang mga scammer ng mga pekeng sulat at dokumento para suportahan ang kanilang mga claim. Ang isang naturang liham, na nilagdaan ng isang indibidwal na kinilala bilang si Dimalanta, ay inakusahan si Assistant Secretary U-Nichols Manalo at iba pang opisyal na nakikisali sa mga transaksyong "mala-mafia" para sa mga pag-apruba ng proyekto. Gayonman, kinumpirma ng mga awtoridad na ang mga paratang na ito ay ganap na walang batayan at bahagi ng isang detalyadong pamamaraan ng pangingikil.
Mariing kinondena ng Department of Agriculture at ng PRDP ang smear campaign at mga mapanlinlang na aktibidad, na binibigyang-diin na gagawin nila ang lahat ng kinakailangang legal na aksiyon laban sa mga responsable.
Hinimok din ng mga opisyal ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na pabilisin ang isinasagawang imbestigasyon at bigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga salarin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento