Accredited Driving Schools may apila sa LTO
by Mildred A. Bacud Bilang tugon sa naging desisyon ng Land Transportation Office (LTO)sa pamumuno ni Chief Jay Art Tugade ay nagkaroon ng presscon ang Association of Acredited Driving School of the Philippines. Ito ay matapos ianunsyo ng LTO ang pag-impose ng cap sa rate ng mga driving schools simula April 15 na lilimitahan lamang sa P3,500 para sa mga motorsiklo at P5,000 para sa light vehicles. Ayon kay Tugade ito daw ay apila ng ating mga kababayan dahil sa mataas na sinisingil ng mga driving schools. Sa pangunguna ni Ms. Marie Franz Ochoco kasama pa ang mga AADSPI officers na sina JC Ochoa, Froilan Aguirre, Sherryl Anne Remogat Jow Rodriguez at iba pang mga may-ari ng iba't ibang deiving schools ay pinaaabot nila ang kanilang apila kay LTO Chief Tugade. " We, the Association of Accredited Driving Schools of the Philippines, Inc., (AADSPI) firmly believes that having a drivers licence is a privilege a...