Jassy at Hendrick pinakilig ang mga fans sa pelikulang Home I Found In You


        https://drive.google.com/uc?export=view&id=1p4mzByI2zvJade8JhjUfx3XBrYQEAJ4a

by Mildred A. Bacud

Finally ay ipapalabas na sa mga sinehan ang pelikulang " Home I Found In You" na pinagbibidahan nina  Jhassy Busran at John Hendrick. 
"Another achievement unlocked po siya sa akin. First movie ko po siya na may ka-loveteam kaya kinakabahan din po ako kung  naging effective ba kami sa movie, "aniya.

          https://drive.google.com/uc?export=view&id=1H8G9_CfQc-AW8oKigBJZH2rSKhEkW9pI     

Maganda ang feedback ng mga naroon si sinehan ng premiere night na talaga namang naramdaman ang chemistry nila ni John.

" I know for myself na maganda siya. Alam kong pinaghirapan namin siya kaya sobrang taas ng expectations ko na magugustuhan siya ng mga manonood, "

Sa ngayon, mas kumportable na raw sila ni John Heindrick dahil sa nabuo nilang chemistry sa FB seryeng " Roommate."

"Ibang bond na rin po kasi ang nabuo sa amin. Basta kami, nag-eenjoy lang po kami sa ginagawa namin. Nakakatuwa lang dahil marami po ang sumusuporta, "bulalas ni Jhassy.

Kahit naman marami ang kinilig sa tambalan nila, nilinaw naman niya na wala silang kissing scene ng love team sa pelikula.
Hirit pa niya, hindi pa rin daw kasi siya handa sa ganoong klaseng eksena.

"Nasa 17 pa lang po ako. Baka hindi ko pa po magawa, " paliwanag niya.
Open naman siya sa pagsasabing kinikilig siya kay John Heindrick pero wala pa sila sa puntong gusto nilang i-level up ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Sa "Home I Found In You", binibigyang buhay ni Jhassy ang role ni Celine, isang probinsyanang mahilig magpinta na allergic sa social media at hate ang mga artista. Makikilala niya si Red, (John Heindrick) isang celebrity na ipu-pursue siya pero magpapa-hard to get siya.

Ayon pa kay Jhassy, apt daw ang title ng pelikula dahil nahanap niya ang kanyang tahanan o refuge sa piling ng kaibigang love team partner.

Mula sa direksyon ng acclaimed filmmaker na si Gabby Ramos,tampok din sa supporting cast sina Diego Llorico, Eunice Lagusad , Harvey Almoneda, Orlando Sol at award-winning veteran actor Soliman Cruz.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!