Njel de Mesa at Arci Munoz gagawa ng pelikula sa South Korea

by Mildred A. Bacud
Hindi pa man din pinalalabas ang pelikulang Kabit Killer ni Arci Munoz pati ang travel show niya na " Arci's Mundo," ay nakatakda namang gawin ng aktres ang pelikulang " Jeju Vu." 
        https://drive.google.com/uc?export=view&id=16P-w433YSj-iTx7xT2zYfMJXdcnOSrJv

Ang bongga lang dahil majority ng pelikula ay kukunan sa bansang South Korea. Lugar na madalas nating mapanood lamang sa mg K-Drama.  Pareho kasing hinahangaan ng aktres at ni direk Njel de Mesa ang Korea dahil sa kalidad ng mga pelikula nila lalu na sa Cinematography. 

Kuwento pa ni Arci, "Actually, dream ko talaga ang makagawa ng movie in Korea and to be recognized internationally. This is something I really love. This is the first time I'll be in Jeju. Kasi lagi lang kasi ako sa Seoul everytime I'm in Korea in business meetings. Excited ako about everything because I have something to share not only to my co-armies kundi pati na sa K-drama lovers. Looking forward din ako to work with other actors na hindi Pilipino."

Answered prayer at dream come true raw talaga para kay Arci ang paggawa ng pelikulang Jeju Vu. 

" Ang  ganda lang ng timing ni Lord. Basta binigay siya ni Lord. Sobra po akong... Very optimistic kasi akong tao. I go with the flow and I believe that everything that happens in this world, talagang binibigay ng universe sa akin, "sabi pa niya.

Isa pa sa pinagpapasalamat niya ay ang working relationship nila ni direk Njel na anya kasundo niya sa mga ideas. 

"With Direk Njel, gina-guide talaga niya ako at mine-mentor and with his guidance, I know I'm on the right path, " lahad niya.

Sey pa niya, masaya rin daw siya na makasama sa isang proyekto na malapit sa sensibilidad niya  bilang K pop fan. 
       https://drive.google.com/uc?export=view&id=11wrttoUKBs0I1M4p4QbTEfm9MgspAg1X
     (direk Njel, Arci with the press people during the the story conference)

"For me, importante na nagagawa ko kung ano ang nagpapasaya sa akin, so, I'm just passionate about it.
 Anything naman kaya rin kami gumawa ng travel show kasi I want to learn different cultures. Very important din sa akin na sa Korea siya gagawin, because I'm a big fan, " esplika niya. 

Ang " Jeju Vu" ay halaw sa lumang script ni Direk Njel para sa “Doon Lang” na inspired din  ng kanyang dulang pang-entabladong “Somnambulism” kung saan may isang babae at isang lalake na sa panaginip lang nagkikita. Sa kanilang paggising ay hindi nila kilala ang isa’t isa at kapwa nilang hinahanap ang isa’t isa. 

“It was the perfect moment to realize my old script pero medyo we had to revise the script to the specifications ni Arci”, pagbabahagi ni Direk Njel. 
Nabuo ang konsepto ng pelikula habang nasa production meeting sila sa Indonesia pagkatapos ng shoot nila ng travel and food lifestyle show na “Arci’s Mundo”.

Sa meeting nila, napasabi si Direk Njel na tila nasa isang “Déjà vu” siya. Ito ay isang pagkakataon na kung saan nakakaranas ang isang tao ng pakiramdam na parang nangyari na ang lahat ng ito.  Tila ba’y napanuod niya na ito sa kanyang mga panaginip. Agad naman nagpayo si Arci na: “You are on the right path kapag ganu’n, Direk!”, kwento ng dalawa. 

Matagal nang gusto ni Arci na gumawa ng pelikula sa South Korea at tila naghahanap lang ang dynamic duo ng magandang ideya. Hanggang sa patawang sinabi ni Arci ang mga katagang, “Jeje Vu” na naging dahilan para maalala ni Direk Njel ang hangad nilang gawing pelikula sa SK at napipintong shoot sa Jeju Island. “JEJU VU!” biglang bulalas ni Direk Njel at sa ideyang ito ay kapwang nagtatalon si Arci at Direk wari’y nakahukay ng ginto. 
Sa unang dalawang linggo ng Abril sila magsisimula ng prep or pre-production work at magsisimula  naman ang kanilang shooting sa huling linggo ng April 2023. 

Kahit naman anong pilit ay ayaw muna oreveal ni direk Njel at Arci kung sinong Korean actor ang magiging leading man ng aktres. Ikakagulat na lamang daw ito ng mga fans. Sa ngayon, sorpresa 
Target na playdate nito ay sa Setyembre,2023 sa major streaming platforms with limited theatrical release.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry