6th PMPC Invitational Celebrity Badminton Tournament naging matagumpay

                             
Ngayong panahon ng new normal sa gitna pa rin ng pandemya, matagumpay na iniraos ng The Philippine Movie Press, Inc. (PMPC) Ang masayang charity game noong Sabado, April 8, 2022, na hinanap sa Powerplay Badminton Center sa #24 Apo Street, Quezon City.  

Ito ang 6th PMPC Celebrity Invitational Badminton Tournament na isang fund-raising project ng nasabing samahan na nagsimula pa noong taong 2014. Bagamat hindi ito isinagawa nitong nakalipas na dalawang taon, 2020-2021, dahil sa pandemyang hatid ng CoViD-19 o Corona Virus Disease  2019 sa buong mundo.

Malugod na pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagdalo sa pagbalik ng sports event ng club. Binigyang papuri  ng alkalde ang PMPC sa pagsasagawa ng ganitong klase ng aktibidad ngayong tuluyang bumaba na ang mga kaso ng CoVid-19 sa Bansa. Hinikayat din ni Mayora Joy na i-avail ang iba't ibang serbisyong handog ng lokal na pamahalaan Ng Lungsod Quezon, tulad ng tulong medikal para sa mga lehitimong residente nito at ang pautang para sa mga nais magsimula Ng negosyo.

Dumating din ang aktor na si Paolo Marcoleta na anak ni Cong. Rodante Marcoleta. Maging Ang aktres at beauty queen na si Sarah Javier ay namataan din kasama ang kanyang buong pamilya.

Samantala, ilan din sa mga artistang dumalo, sumoporta at naglaro ay sina NiƱo Muhlach at mga anak na sina Sandro at Alonzo, Jao Mapa at dalagitang anak na si Stacy, Neil Coleta, Krista Miller, Nikka Valencia at anak na si Nica, Direk Martin Mayuga, Ally Gonzales, Kristof Garcia, young newbie singer Janah Zaplan, talent manager Lito De Guzman, Klinton Start, Erin Ocampo, at si Ms. Teen USA Ysabella Alberto.

Naging matagumpay pa lalo ang palaro ng PMPC dahil sa walang-sawang suporta ng ilan sa mga sumusunod na kaibigan at sponsors through the years: QC's Office of the Mayor, NET 25, Joyce Penas Pilarsky, MC Productions by Marc Cubales, RS Francisco ng RS Clothing at Frontrow International , Atty. Persida Acosta, Aljon Jimenez, Direk Perci Intalan, Bayani Agbayani, LA Santos, Vince Tanada, Kim Atienza, Wilbert Tolentino,Jun Miguel, Marlo Mortel, Aspire Philippines, Aries Soriano,Jos Garcia, Charo Laude, visual artist and missionary Kristine Lim, at Alice Dixson.

Ang nasabing badminton tournament ay kauna-unahang special project ng PMPC ngayong taon sa pamumuno ng presidente at overl-all chairman na si Fernan "Ms. F de Guzman. Kasama pa ang special committee na sina Rodel Fernando(chairman), Rommel Placente(co-chairman), members Mildred Bacud, Roldan Castro, John Fontanilla, Sandy Mariano, at Leony Garcia.(ni Mildred Bacud) 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry