Jake Cuenca emosyonal na inaming hiwalay na sila ni Kylie Versosa

(by Mildred A. Bacud)

Walang nag- akalang may pinagdadaanan ang relasyon nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca hanggang sa emosyonal na reaksyon ng beauty queen turned actress sa It's Showtime last April 19. Nagbahagi kasi ng kaniyang saloobin si Meme Vice patungkol sa mga break-up at natanong nito si Kylie. Sa reaksyon nito ay parang nagulat at tinamaan siya sa pagtatanong na iyon hanggang sa naging emosyonal na hindi na mga napigilang umiyak. 
Kaya naman ang espekulasyon na break na ang dalawa ay kaagad umugong. Pinagtibay pa ang mga haka haka ng marami ang nakapansin ma hindi na updated ang Instagram account ni Kylie at wala ng latest post na magkasama sila mg aktor.

Hanggang sa nito lamang  April 23, ay kinumpirma na nga ni Jake ang hiwalayan through his Instagram post. 
Tatlong taon rin ang tinagal ng kanilang relasyon kaya naman marami sa kanilang mga kaibigan,pamilya at fans ang nalungkot. Hindi naman nabanggit ni Jake kung sino ang nakipaghiwalay pero may tsikang si Kylie daw ang nakipaghiwalay. 

Nagkakilala,nagkalapit na nauwi sa relasyon ang dalawa sa seryeng Los Bastardos sa ABS CBN no'n. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!