Kathryn Bernardo, nagpahayag ng suporta kay VP leni Robredo

(by Mildred A. Bacud)

Ginalaw na nga ni Kathryn Bernardo ang baso. Ito ang madalas sabihin ng netizen sa mga taong gusto nilang magparamdam na ng kagustuhan. 

Last April 23, sa Pasay City rally na birthday celebration din ni Vice President Leni Robredo at tumatakbo sa pagka-Pangulo, ay pinalabas ang video ad na ginawa ng sikat na aktres bilang suporta kay VP.  Nauna ng nagpahayag ng suporta ang nobyong si Daniel Padilla na nakilahok kamakailan lang sa pagpinta ng mural sa Fairview Quezon City. 

May mga nagtanong kung bakit wala amg magnobyo sa Pasay Rally. Ang dahilan ay pareho silang nakalock-in taping ng pinakabago nilang serye, ang "2 Good 2 Be True. "

Ikinwento naman ng kaibigang direktor ni Kathryn na si Mandy Reyes kung paano nabuo ang video ad for VP Leni. Binida rin niya na nagbigay din ng ito ng inputs kung ano ang sasabihin. 
 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!