Kim Chiu, nagpakita ng suporta kay VP Leni Robredo sa Cebu

(by Mildred A. Bacud)

Balik Cebu ang sikat na aktres na si Kim Chiu para suportahan ang tumatakbong presidente na si Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na tumatakbong Bise Presidente. 

Masayang hinarap ni Kim ang halos 150,000 crowd sa Mandaue City, Cebu para ikampanya ang Kakampink. Marami ang natuwa sa pagsasalita niya ng bisaya sa mga kababayan. Ikinwento rin niya ang dahilan kung bakit niya sinusuportahan si VP Leni.


Nauna ng nagpahayag ng suporta ang aktres sa kaniyang social media account matapos makatanggap mg birthday greeting sa Bise Presidente.

Tugon niya sa pagbati ni VP Leni sa kaniya ay, “Makakaasa po kayo kasama nyo po ako sa laban na ito. Laban para sa isang gobyernong tapat, angat buhay ang lahat.

“Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang tapat na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for honest and good governance. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong Pilipinas with you as our president, Maria Leonor ‘Leni’ Gerona Robredo."

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry