Marc Cubales, magkasunod na tumanggap ng award



(by Mildred A. Bacud)


Magkasunod na tumanggap ng award ang producer/ramp model/actor na si Marc Cubales. Una ay kabilang siya sa  Philippines Empowered Men and Women. Bonus pa ang Best Dress nu'ng gabing yun. 

Kamakailan lang ay tumanggap naman siya ng "Philantropist of the Year," sa Okada Hotel. Lingid sa kalaaman ng iba ay aktibo sa pagtulong sa mga nangangailangan si Marc.Isa ng halimbawa sa kaniyang pagmamalasakit lalu na sa showbiz industry ay ang pagsabak na niya bilang producer kaya naman nabuo ang MC Productions by Marc Cubales. Kahit kasi pandemya pa rin ay tinuloy niya ang nasabing project para makatulong sa maliit na mangagagawa ng film industry. 
Unang sabak niya ang pelikulang "Finding Daddy Blake," na dinirhe ni Jay Altarejos. 

Maging sa press people ay malapit ang puso ni Marc. Nito lamang 6th PMPC Invitational Celebrity Badminton Tournament ng The Philippine Movie Press Club ay nag-sponsor siya. Fundraising project ito ng nasabing club para sa medical assistance ng officers at members.
Marami pang nakaline-up na projects si Marc, hindi lang sa showbiz maging ang kaniyang mga negosyo at excited na siya rito. 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!