Moira dela Torre at asawang si Jason Hernandez hiwalay na nga ba?

by Mildred A. Bacud

Moira at asawang  si Jason, hiwalay na nga ba?

Trending si Moira dela Torre ngayon sa social media dahil sa diumanong nangangamoy hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez. 

Kaagad namin tsinek ang Instagram ng singer at napansin nga namin na burado na ang ilang larawan nilang mag-asawa. Ganun din ang ilang videos nila sa Tiktok ay deleted na rin.  

Sabay din naming tsinek kung in-unfollow na nila ang isa't isa pero as of now ay hindi pa naman. Sa account ni Jason ay hindi pa naman burado ang mga larawan nila ni Moira. 

Pero tulad ng iba napaisip din kami sa mga  cryptic posts ni Moira nitong mga nakaraang araw tulad ng,  “just keep swimming,” na isa sa mga facebook status niya. 

Sa pagpapalit naman niya ng FB profile ay may caption siyang  “there are far, far better things than any we leave behind ~ c.s lewis”.

Palaisipan din sa netizens ang makahulugang pagpost ni Jason ng lyrics ng isang kantang may titulong  “Wag Kang Lalapit”.

“Wag kang lalapit diyan ka lang , At baka makita ang lahat ng aking kahinaan, Pilit kong tinakpan.”
“At Kung malaman mo kaya, mga kasalanang nagawa, kaya bang matanggap, Pag di na ako nagpanggap.”

“Prechorus: Hindi na ko yun, Sana’y mabigyan ng pagkakataon…”

“Chorus: Iibigin mo pa ba ako? Pipiliin mo pa ba ito? Nakaraang pinagsisihan, gusto ko nang makalimutan, hanggang diyan ka na lang, kung ayaw mong masaktan.”

As of press time ay nasa Singapore si Moira kasama ng ilang kaibigan at manager pero wala ang asawa.  

Maraming fans ni Moira ang nalulungkot sa balitang ito pero umaasa sila na maayos din. Hangga't wala raw kumpirmasyon mismo sa dalawa ay ipinagdarasal nilang hindi ito totoo.

Napakaganda ng love story nina Moira na matatandaang ginampanan ni Janella Salvador sa MMK no'ng 2019 at si Kiko Estrada naman ang gumanap bilang si Jason.
Kinasal ang mag-asawa no'ng January 14, 2019 sa napakagandang garden wedding. 




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!