Piolo Pascual, Boy Abunda at iba pang artists suportado ang #50 Ang Probinsyano Partylist

by Mildred A. Bacud

Marami ang natuwa dahil sa dami ng partylist na magkakalaban this 2022 election ay nakuha pa ng Number 50 Ang Probinsyano Party-List ang pangatlong pwesto. Ayon ito sa  pinakahuling Pulse Asia Ulat ng Bayan national survey na isinagawa mula Marso 17-21, 2022.

Sa nasabing survey na inilabas kahapon, walo sa 177 party-list groups na tumatakbo sa darating na halalan ang makakakuha ng suporta ng may dalawang porsyento ng mga botanteng Pilipino kung gaganapin ang May 9 elections ngayon.

Ayon sa Pulse Asia, sa suportang ito, malalagpasan ng walong party-list groups ang
Ang Number 50 Ang Probinsyano Party-List, na nagsusulong ng hanapbuhay, edukasyon, pagkain at kalusugan para sa lahat ng mga probinsyano, ay nakakuha ng 4.48 voter preference, at posibleng makakuha ng tatlong pwesto.

Ayon kay Rep. Alfred Delos, na nangakong ipagpapatuloy ang kanilang mga nasimulang programa para iangat ang pamumuhay ng mga probinsyano sa simula ng kampanya noong Pebrero, malaki ang kanilang pasasalamat na mapabilang sa mga napupusuang party-list ng mga botante.

“Isa pong malaking karangalan na maging isa sa mga pangunahing napupusuan ng mga botante. Kung kami po ay muling papalarin, higit pa naming paiigtingin ang pagsusulong ng pag-unlad sa mga kanayunan para din po sa pangkalahatang pag-unlad ng ating bansa,” ayon kay Delos Santos.
Ibinoto bilang isa sa mga nangungunang party-list sa una nitong pagsabak sa pulitika noong 2019 elections, ang Ang Probinsyano Party-List ay nagtala ng magandang performance sa unang
 voter preference na kinakailangan upang makakuha sila ng isang congressional seat sa unang 2-percent round ng seat allocation base sa nakasaad sa February 17, 2017 resolution na inilabas ng Korte Suprema.

Tatlong taon nito sa pwesto, kabilang dito ang pagbibigay ng relief packs sa 56, 243 beneficiaries sa gitna ng pandemya; financial assistance sa 33,359 beneficiaries; anti-COVID packs sa 12,549 beneficiaries; educational assistance sa 7,880 estudyante at medical assistance sa 4,174 beneficiaries.

Pinondohan din nito ang konstruksyon ng 69 evacuation centers at multi-purpose buildings sa iba’t ibang probinsya, at principal author ng 246 bills at resolutions at co-author ng 134 bills at resolutions sa 18th Congress.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na maraming celebrities tulad nina Piolo Pascual, Boy Abunda,Donnalyn Bartolome at iba pa ang sumusuporta sa #50 Ang Probinsyano Partylist.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry