ABAA, binuo bilang suporta sa local artists ng mga taga- Binangonan
by Mildred A. Bacud
Naimbitahan kami sa presscon ng launching ng ABAA Festival 2022 last Sunday sa Binangonan Recreation and Conference Center(BRCC) sa Rizal. Bago ang performances sa gabi ay humarap muna ang grupo sa press people na dumayo mula Maynila para makapunta sa Rizal.
Ang ibig sabihin pala ng ABAA ay All Binangonan Artists Association (ABAA). Ayon sa Municipal Administrator at bumuo ng nasabing grupo na si Russel Ynares, " ABAA is a composition of various show bands, musicians, and visual artists, all based in Binangonan. Ang mga taga- Rizal sa mga kwentuhan ay madalas sinasabi ang expression "ABA eh" so we got the idea."
First time this year na nagkaroon ng ABAA Festival 2022 na magshow- showcase hindi lamang sa music kundi kombinasyon ng arts, carshow at skatepark. Balak na nila itong gawin kada taon.
Kilala ang lalawigan ng Binangonan Rizal sa talento ng mga artists na tubong taga-roon at isa sa pinagmamalaki nila ay si Gloc 9. Kaya naman sinabi ni Russel ang layunin nila sa pagbuo ng ABAA.
"It was formed to promote and highlight the brilliance of local artists and bring pride and honor to the people of Binangonan with a vision to embody the rich, colorful, and historic culture of the lakeshore town."
Hindi pa d'yan nagtatapos dahil ang ABAA ay isang recording label na rin. Ito ay bilang pagsuporta sa maliliit na local artist na di kayang makapag-release ng kanilang album. Tatayo silang manager para maisakatuparan ang pangarap ng grupong talentado sa larangan ng musika.
Sa ending ng aming tsikahan sa grupo ay napag-alaman namin na anak pala si Russel ni Mayor Ynares pero napaka-humbke at low profile nito. Mas pinili raw niya ang tumulong at sumuporta sa local artists kesa pasukin ang pulitika.
Matapos ang nasabing presscon ay dumeretso kaagad ang grupo sa kalapit lang din na venue para sa one day free concert. Ang mga nag-perform sa nasabing festival ay ang New Direction kung sa'n mber din si Russel, Tanya Markova, LETTER DAY STORY, Android-18, Anonuevo, Trip to Mars, Boses Ng Rizal, OTS, Last Song Bea, Miguel at 2202.
Nagpapasalamat naman ang grupo naming press people sa mainit na pagtanggap sa amin sa BRCC sa pangunguna ni Eli at ibang staff at sa imbitasyon ng aming kasamahan na si Cesar Batingal.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento