Aiko Melendez, tinangging Kakampink na!
by Mildred A. Bacud
Sumagot na ang tumatakbong konsehal sa District 5 na si Aiko Melendez patungkol sa bash na lumipat na raw siya ng sinusuportahan. Una na kasi siyang nagpahayag ng suporta sa Uniteam nina Bongbong Marcos at Sarah Duterte.
Pero paano nga ba siya napagdudahan?
Kuwento ni Aiko sa kaniyang Facebook at Tiktok, " Ok im being bashed because of this picture of my son Andre Yllana . Bat daw ako naging Leni- Kiko eh BBM ako.
" Eto po ang simpleng explanation. Nangangampanya po mga anak ko kanina and me gate dun ng supporter namen na maka Leni- Kiko di ko kailanman ang naging ugali na saklawan ang utak at isip ng aking mga supporters. Kahit sa kapamilya ko kapatid ko maka Leni, Ako maka BBM never kami nag away para sa sino man ang nais namen supportahan.
Paglilinaw muli ng aktres, " Hindi po ako lumipat ng susupportahan po. Dahil me paninindigan po ako. At kng ano man po ang kakalabasan ng Elections rerespetuhin namen po yan. Pero wag nyo po ako pigilan ng nais ko supportahan. Nacionalista party po ako sa totoo lng po di ko pa nakikilala sila Senator Bongbong Marcos at Inday Sara, pero un ang paninindigan ko sa kanila ang aking paniniwala. Lawakan po naten ang isip naten.
Diin muli ni Aiko, " Iam for Bongbong Marcos and Mayor Inday Sara Duterte all the way."
Samantala masaya si Aiko aa takbo ng kanyang kampanya. Lahat ng pinupuntahan niya kahit ang kasuluksulukang lugar ay mainit ang pagtanggap at pagsalubong sa kaniya. Kaya naman hindi nakapagtataka kung makuha niya muli ang loob ng mga constituents niya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento