Aspire Global Magazine tagumpay ang launching; Klinton Start proud maging cover boy

by Mildred A. Bacud

Napakaganda ng setting ng venue sa Matrix Creation Events last Sunday. Dito ginanap ang grand launching ng Aspire Magazine Philippines. Nagmistulang awards night dahil sa magagarang kasuotan ng mga dumalo. Natuwa at namangha kami sa ganda ng mga gowns na suot ng mga modelo at bisita na naroon. 

Sa pangunguna ng founder na si Ayen Castillo na ang inspirasyon sa pagbuo ng nasabing magazine ay ang kilalang international magazine na Vogue. Mula pa raw ng estudyante pa lamang siya at kumukuha ng master's degree ng Nursing sa University of Sto. Tomas, ay inalay na niya ang isa pang pangarap na makabuo ng 604 pahina na glossy Community and Advocacy Magazine.
Sinubok ng pandemya no'ng 2020 ang produksyon ng Aspire Magazine Philippines pero sa kalaunan ay nailabas din.

Rumampa ang mga modelong nasa issue ng nasabing Magazine. Si Klinton Start ang naging cover. Rumampa siya sa nasabing event suot ang creation  ni Rocky  Gathercole at Jorick Limpag sa cover. Ang magazine na ito ang masasabing the thickest magazine in Asia and Middle East sa Pacific. 
Well-deserved ito para kay Klinton lalu't role model naman talaga siyang matatawag para sa mga kabataan. Masaya din kami sa mabait na aktor dahil bukod dito ay mas gumaganda pa ang kaniyang showbiz career. Kasama siya sa seryeng " The Broken Marriage Vow."

Hindi lang rumampa ang mga naroroon, nagbigay din sila ng nakakaaliw na production numbers. Nagbigay din ng mga special awards ang organizers sa mga inspiring personalities kasama sina Jomari Yllana, Abby Viduya at ang aming kasama sa trabaho na si John Fontanilla. 




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!