Jason umaming naging unfaithful, dahilan ng hiwalayan nila ni Moira

by Mildred A. Bacud


Marami ang nagulat sa biglang pag-amin ng Singer-songwriter Jason Hernandez sa kaniyang Instagram at Facebook ukol sa pagiging unfaithful niya bilang asawa kay Moira dela Torre.

Post niya, "3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.

"I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better. From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi." 
Matatandaang April nu'ng unang lumabas na hiwalay na sila. Ilang larawan daw kasi ng mag-asawa ay burado na sa account ng isa't-isa. Palaisipan din ang pagpunta sa Singapore ni Moira na hindi kasama si Jason.

Ilang araw ay pinabulaanan ng kampo ng singer na may katotohanan ito at fake news lamang. 

Pero mahirap nga maitago amg katotohanan at heto na nga hiwalay na ang dalawa na kinumpirma mismo ni Jason. 

January 14, 2019, nang ikasal sina Moira at Jason sa Tagaytay. Isa sa pinakamagandang wedding sa showbiz ayon na mismo sa mga artistang dumalo rito. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!