Kahit gumanap na Felix Manalo sa pelikula, Dennis at Jennylyn, suportado si VP Leni
Ilang araw matapos makapanganak ay humabol pa ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pagsasapubliko ng kanikang suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo.
Surpresa ito sa ilan dahil kung matatandaan ay ginampanan ni Dennis ang life story ni ka Felix Manalo sa pelikula no'ng 2015.
Sa kaniyang Instagram account naman ay nagpost si Jennylyn.
" Hello Bessies! As you know, kakapanganak ko pa lang sa bagong miyembro ng family namin ni Dennis— our very first baby girl! Thank you Lord for this answered prayer and thank you sa inyo na nagpaabot ng pagbati. Sobrang naappreciate namin ni Dennis 🙏
"Iba yung saya na nararamdaman namin sa pagdating ni baby “D” pero nariyan din siyempre ang kaba at pag-aalala dahil eleksyon na sa darating na May 9. Aaminin ko stressful para sa akin ang nangyayari sa bansa natin ngayon kaya pinili ko manahimik muna at magfocus sa aking pagbubuntis (bawal mastress sabi ni doc!). Pero syempre hindi rin maari na hindi ako manindigan lalong lalo na ngayon na may bago akong silang na anak. Kinabukasan niya ang nakasalalay dito e.
"Sinuman ang mananalong mga opisyal ng gobyerno ay may mahalagang papel na gagampanan sa buhay ng anak namin sa loob ng anim na taon na sila ay manunungkulan sa pwesto. Anumang magagawa nila sa anim na taon na iyon ay magbibigay daan sa kung ano ang mundong kanyang kakagisnan oras na siya ay nagdalaga na at mag-isa ng hinaharap ang mundo.
May maayos kaya silang plataporma para sa edukasyon? May magsusulong kaya ng batas para mas maprotektahan ang kanyang karapatan bilang bata? May maayos ba silang programa sa kalusugan? Maging maayos kaya ang palakad nila sapat para maging ligtas ang kapaligiran? Kung maari lang gawing perfect ang mundo para sa anak natin, gagawin natin di ba? ‘Lam nyo yan mga mommies at even daddies. Pero, reality is, we can only do so much as parents.
Kung ako tatanungin, gusto ko mabuhay ang anak namin sa lipunang malaya, ligtas, at puno ng pagmamahal.
Gusto ko maranasan niya ang buhay na maginhawa, tapat, at may dangal.
Gusto ko manirahan siya sa bansang umiiral ang katarungan, iginagalang ang karapatan ng bawat tao, at pinapangalagaan ang kalikasan pati na ang mga hayop.
Gusto ko lumaki ang anak ko na ang future bessies niya sa LGBTQIA+ community ay malayang nagmamahal at tumatamasa ng pantay na karapatan sa mata ng batas.
At higit sa lahat, gusto ko mamuhay siya na walang takot at pangamba dahil nirerespeto siya bilang isang babae. Iginagalang, kinikilala ang kakayahan, hindi nililimitahan, at hindi binabastos.
Kaya sa darating na may 9, iboto natin ang pangulo na ultimate survivor din tulad ko— si Vice President Leni Robredo.
Ultimate survivor siya bilang single mom na mag-isang nagpalaki ng kanyang tatlong mahuhusay ding mga anak.
Ultimate survivor din siya sa paglilingkod at nakapagpatupad pa rin ng mga programa para tulungan ang sambayanan sa kabila ng kakulangan sa budget ng kanyang tanggapan.
At siyempre, ultimate survivor siya sa labang ito para sa pagkapangulo dahil naniniwala ako that she is the best choice for the job. In the end, the last man standing is really going to be a woman. Naniniwala ako doon. Puno ang puso ko ng pag-asa lalo pa’t ngayon pa lang nai-inspire nya na ang libo libong Pilipino na magkaisa at isulong ang mas maayos na Pilipinas.
Kaya ako kasama ng buong pamilya namin ni Dennis ay sumusuporta kay Vice President Leni Robredo para maging susunod na pangulo.
Tara na bessies, sama sama nating ipanalo ang halalang ito para sa lahat ng Pilipino. Let’s go out, vote, and make the Leni-Kiko tandem our ultimate choice sa balota.
#LeniKikoUltimateTandem #LeniIsMyUltimateChoice #Ipana10NatinParaSaLahat #JennylynForLeni #KakampinkHOKami
Ito ang kabuuan ng naging post niya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento