Pia Wurtzbach, engaged na kay Jeremy Jauncey

(from Pia Wurtzbach IG)

by Mildred A. Bacud


MANILA, Philippines — Engaged na si Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach sa nobyo nitong si Jeremy Jauncey.

Sa video na pinost ng beauty queen sa kaniyang Instagram, sa bakasyon nila sa Amanpulo Palawan beach ay binida nito ang diamond ring na binigay ng nobyo bilang engagement ring.

Caption ni Pia sa video ay, "We found the perfect place to celebrate and tell you guys," with a ring emoji.

Sa video makikitang masaya ang magkasintahan. Naka white bikini si Pia sa isang yacht na napaka-sweet kay Jauncey. Sa romantikong lugar na 'yun ang sinasabing naganap ang engagement  

January 2020, unang napaulat ang pagdidate ng dalawa. Marso ng sabihin ni Pia sa isang interview na masaya ang kaniyang lovelife.


“I’m happy, I’m inspired, I feel very empowered. I feel like I can be myself and I don’t have to water myself down.” 

Dalawang taon na ang relasyon ng dalawa at sa nasabing engagement ay hindi malayong ang kasunod kaagad ay kasal. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!