Rayver Cruz, niregaluhan ng piano ang rumored gf na si Julie Ann San Jose

by Mildred A. Bacud


Kahit wala pang inaamin, marami ang naniniwala na mag-on na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. Obvious naman sa tinginan nila and lately ay iba na raw ang ka-sweetan nila. 

Marami namang mga fans ang muling kinilig ng regaluhan ng aktor si Julie Anne ng Steinway & Sons piano bilang advance birthday gift nito sa May 17. Ito rin kasi ang araw ng mismong alis ng singer/actor papuntang Canada para sa series of shows nila nina Sam Milby at Catriona Gray.

Wala siya sa mismong kaarawan ng singer dahil sa  Mayo 24 pa ang balik nito ng Pinas. Kaya naman ilang linggo rin silang di magkakasama.  

Kaya naman pala sa IG account ng dalawa ay nagpa-piano si Julie Anne habang kinakanta nila ang awiting “Location Unknown” ng Honne na kinanta ng duo na sina James Hatcher and Andy Clutterbuck.


Halatang super inlove na talaga ang JulieVer. Parang kailan lang ng mainterview namin amg dalawa sa launching'yon ng The Clash. Wala pang namamagitan sa kanila at karelasyon pa no'n ni Rayver si Janine Gutierrez samantalang si Julie Ann naman ay matagal ng hiwalay kay Benjamin Alves. Tinawanan lang nila ang press people na naroon kasama kami, nang tanungin kung may posibilidad kayang madevelop sila sa isa't isa. Ang sinagot lang nila ay good friends sila na understandable naman. But more than two years later, mukhang malalim na nga ang kanilang relasyon. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!