Sarah Javier, proud mapasama sa pelikulang "Ang Bangkay"

by Mildred A. Bacud

Lutang na lutang ang ganda ng dating Mrs. Universe Philippines Cavite na si Sarah Javier sa ginanap na Red Carpet Premier Night ng pelikulang " Ang Bangkay" sa EDSA Shangri-la Mall last Saturday  Pinangunahan ito ng writer/direktor at bida sa pelikula  na si  Vince Tanada. Kasama rin ni Sarah ang pamilya na full support sa kaniya.
Masaya kami kay Sarah dahil kahit maikli lamang amg kaniyang role ay hindi niya kami binigo.

" Sabi ko nga maikli.lang talaga yung role ko pero markado siya. I mean importante yung role ko sa buong pelikula."
Du'n naman kami napabilib sa aktres walang dialogue pero kita ang pighati sa mga mata.
Kinwento niya rin sa amin na sa eksenang yun na parang may mga dugo sa mukha ay simple raw tignan pero medyo matagal naachieve. 

Isang napakagandang experience naman daw para kay Sarah ang paggawa ng nasabing pelikula. Well, hindi kami magtataka kung sa mga susunod na pelikula ni direk Vince ay maicast muli ang singer/actress dahil magaan itong katrabaho.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!