Sofia Andres at Daniel Miranda hindi totoong hiwalay

by Mildred A. Bacud


Nagulat kami ng kumalat sa social media gaya ng Tiktok at Youtube ang isyu ng hiwalay na raw sina Sofia Andres at Daniel Miranda. Ang pagkakabalita pa nga ng iba ay parang sigurado na. 

Nagsimula ang isyu ng mag-unfollow daw sa isa't isa ang dalawa. Burado na rin daw sa IG ni Daniel ang mga larawan nila ng aktres. 

Kilala naman namin ang ina ng aktres na si mommy Monnette kaya naman agad namin itong chinat. Kaagad niyang tinangginang balitang ito. Sa katunayan ay nasa Cebu daw sila ngayon. Natawa na lang si mommy at napabiro ng "Mga maritess talaga."

Happy couple pa rin sina Sofia at Daniel kasama ng super cute nilang anak na si Zoe.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!