Vince Tanada, pinuri sa pelikulang "Ang Bangkay"
Dahil period movie ang pelikulang " Ang Bangkay," na kinunan noong 1900,akma rin ang terno at Filipiniana na kasuotan ng buong cast sa naganap na Red Carpet Premier Night ng nasabing pelikula sa Edsa Shangrila Cinema.
Ang utak ng nasabing pelikula ay si direk Vince Tanada. Carlos Palanca Literary Contest Grand Prize Winner na “Ang Bangkay” na isang play at ngayon ay isinapelikula.
Kasama kami sa ilang media na naimbitahang manood. Ang aming verdict? Isang mahusay na obra.
Maganda ang pagkakalahad ng kwento.Intense ang mga eksena. Mahuhusay ang mga artistang nagsipaganap lalu na ang bida nito na si direk Vince na gumanap bilang si senior Segusmondo. Ilang beses din kaming napapalakpak sa husay niyang umarte at magbato ng mga mahahabang linya. Hindi naman nakakapagtaka dahil mahusay at award winning theater actor si Vince.
Dark and mysterious ang movie na umiikot sa character ni Vince bilang isang embalsamador. Matapos ang misteryosong pagkamatay ng asawa played by Sarah Javier, ay nagsimula na ang kalbaryo sa buhay ng nag-iisang anak played by Vean na siya mismong ama ang may likha. Mahusay si Mercedes Cabral bilang mayordoma na matagal ng may pagtangi sa kaniyang amo. May eksenang pinalakpakan pa nga ito sa pagmamakaawang tapunan siya ng kahit konting pagmamahal.
May frontal scene man at hubaran sa mga eksena pero maganda ang pagkakagawa. Kumbaga it was done artistically. Hindi basta naghubad sa eksena tulad ng ibang indie movies huh.
Hindi kami nagtataka kung mapansin din to sa ibang international film festivals tulad ng prestihiyosong Cannes. Yun naman ang plano ni Vince na maipalabas muna ito sa mga international filmfest bago sa Pinas.
Ang pelikulang "Ang Bangkay," ay kinunan sa probinsiya ng Nueva Ecija. Si Bong Ramos ang naging katuwang niya bilang pangalawang direktor.
Punong-puno ng twist and turn ang movie that will surely put the moviegoers at the edge of their seat.
Kasama rin sa pelikula ang mga theater and films actors like Johnrey Rivas; Vean Olmedo; JP Lopez, Lili Montelibano, Sarah Javier, at si Mercedes Cabral.
Karagdagang impormasyon 2012 nanalo ang “Ang Bangkay” sa Palanca. Ginawa itong play ni direk Vince na ipinalalabas tuwing summer.
And after 10 years of success ng “Ang Bangkay” bilang isang award winning play, finally ay pelikula na ito ngayon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento