AQ Prime Stream grand launch tagumpay; Pinoy at Korean sanib pwersa

by Mildred A. Bacud

Grandioso kung ilalarawan ang naganap na grand launch ng AQ Prime Stream last Saturday na ginanap sa Conrad Hotel Manila. Dinaluhan ito ng mga direktor, artista at iba't ibang personalidad. Naganap din ang contract signing sa pagitan ng  AQ Entertainment at Prime Stream, Inc. kasama ang representatives ng SBT Entertainment at MBC Plus.

Pumirma sa panig ng A&Q ang CEO nitong si Atty. Aldwin Alegre at COO na si Atty. Honey QuiƱo. Nakakatuwang tignan na naka-barong tagalog na pumirma ang mga Koreanong sina Danny Seo at Lee Kwang Rok para sa SBT at MBC.

Inaaasahan ng dalawang panig ang tagumpay ng pinakabagong streaming platform sa Pilipinas na magagamit din sa ibang bansa gaya ng Korea. 

Kasama sa mga VIP mula Korea si Dr. David Shim, isa sa mga co-producer ng mga award-winning at critically-acclaimed na pelikulang "Parasite" at "Gladiator" starring Russell Crowe. Siya rin ang may-ari ng high-end Korean restaurant na Kiwa na matatagpuan sa Solaire. Si Dr. Shim ang president and owner of Solaire Korea.

Ilan sa mga artistang nakita namin ay sina Wynwyn Marquez,Raymond Bagatsing at Ali Forbes sa pelikulang Nelia, Marlo Mortel at Buboy Villar na kasama sa pelikulang "Huling Lamay" sa direksyon ni Joven,  Tan, Krista Miller at Andrew Gan (Upuan),Cataleya Surio(Amazona), Rez Cortes ( Mang Kanor), RS Francisco, Rob Sy at Sachzna Laparan sa BL Reality series na Love Or Lie at First Sight.

Ilang award-winning directors din ang naroon sa event para magbigay suporta tulad nina Joel Lamangan, Louie Ignacio at Neil Buboy Tan. 

Itong Hunyo na ang mga pasabog na pelikula at series na ihahandog ng Ginanap ang grand launch ng AQ Prime  Prime at Director's Cut by AQ.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry