CEO ng BLVCK Entertainment na si Ms. Grace Cristobal, hindi iniwan si direk Bobet

by Mildred A. Bacud

           Sa launching ng BLVCK Entertainment ay nakilala namin ang CEO nito na si Ms. Grace Cristobal kasama ang versy supportive husband na si Louie.  Isa siya sa mga co-hosts ng programang "Laugh Out Loud."  Napanood ko na rin ang businesswoman sa isa sa mga episodes ng Rated Korina. 

           Sounds familiar ang dating ng name ni Ms. Grace sa amin. Kaya naman pala ay naging bahagi din siya ng noontime show na It's Showtime. Dito sila nagkakilala ni direk Bobet Vidanes. 

            " Were one of the major sponsors of It's Showtime," kwento niya. 

             Nang umalis daw si direk sa nasabing programa ay umalis na rin sila.

            "Syempre kung nasaan ai direk nandun kami nakasuporta.

             Yu'n na nga ideya daw nila na bakit hindi magtayo ng management since existing na rin naman ang negosyo nilang BLVCK Creative Studio at dito na nga nila naisip ang dating direktor ng It's Showtime na maging Managing Partner. 
            
           Since digital at social media na ang kabanan, why not makisabay sila sa kung ano ang uso. Pero dahil bumabalik na naman ang mga sexy series, bukas din ba sila na maanage ng mga sexy stars na parang oang Vivamax ang dating?

            "Why not," mabilis niyang sagot.

            Wala rin naman daw age  requirement ang tatanggapin nila. 

            "As long na kaya pa nila,bigyan natin ng pagkakataon. Basta may talent. Hindi na kailangan yung beauty dun importante yung guts, kapal ng mukha."
          Dahil artistahin ang dating ni Ms  Grace natanong siya kung dati ba ay may pangarap  din siyang mag-artista. Paano nagspark ang interes niya sa showbusiness?

           Sagot niya, "Hindi ko naman talaga pangarap na mapunta sa ganito pero kung ito ang hinihingi why not. Alam niyo naman negosyante tayo kung anong makadagdag na mas kumita tayo why not pero ang nagpasimula kasi nito ay yung husband ko. 

           " Sabi ko gusto kong kumanta sabi niya go. Siya nagproduce at yung nag open nga yung Lunch Out Loud ng cohosting may segment si direk na parang nag aadvice so dun nagstart. 

            Anong plano nila sa pagma-manage? 

            " Kapag kasi negosyante ang tao iisipin mo lagi yung pagkakakitaan pero ang dapat isipin talaga para magawa yun kailangan mo silang itrain, ienhance.Kailangan i-feed mo sa talents mo na kaya ka nandito kasi gusto mong sumikat para kumita ka rin ng malaki tulad ng iba. 

         " Lahat naman gusto sumikat tulad ni Aga Muhlach. Kami as management kailangan may pagpush hindi lang encouragement.Kailangan makita nila na nand'yan kami para matuto at i-guide sila."

         May pasaring naman si Ms. Grace sa mga artistang natulungan ni direk Bobet. 

          " Marami na siyang natulungang artista, ngayon nagtataka kayo bakit wala sila dito. May mga artists na nakapasok sa show dahil kay direk  pero bakit wala dito, bakit hindi sila nakasuporta? 

            "Pero tandaan niyo po yan, yung mga inaalis sa kaniya yu'n din po ang dapat mawala na sa buhay niya at merong ipapalit na much better ang Diyos." 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry