Direk Bobet Vidanes, magma-manage na rin sa ilalim ng Blvck Entertainment

by Mildred A. Bacud

           Matapos maging kontrobersyal sa pag-alis bilang direktor ng programang "It's Showtime," no'ng 2020,  may mga pintuan nagbukas pa rin kay direk Bobet Vidanes. Una na ang pagkapanalo niya bilang konsehal sa Pililla Rizal sa katatapos lamang na eleksyon.  Nananatili siya bilang Creative Consultant ng Laugh Out Loud (LOL) sa TV 5. Ngayon ay hahawak na rin siya ng mga artista  sa ilalim ng Blvck  Entertainment bilang Managing Partner ng mag-asawang Louie at Grace Cristobal na may ari din ng Blvck Creatives Studio.

          Isa kami sa mga press na naimbitahan sa launching ng Blvck Entertainment. 

          Ano nga ba ang Blvck Entertainment?

          " It's a management na hahawak sa careers ng mga aspiring artists. Any program, ipapasok natin sila. Actually binibigyan namin sila ng division. Kung saan ka magaling kasama kahit sa social media, " esplika ni direk Bobet. 

           Ongoing na raw ang pagpapa-audition ng Blvck Entertainment ng mga aspiring individuals na gustong pasukin ang showbiz.

          Tinanong namin kay direk Bobet na since marami ng mga artista ang mga walang managers, ang iba ay dating kasamahan sa Kapamilya network at in case magpamanage sa kanila, okay lang ba?

        " Open na open po. Kanina nga yung mga taga- Laugh Out Loud, sinabi sa akin, lipat na ako sa'yo sabi ko ok. Basta sabi ko ayusin niyo kontrata niyo. Yung iba nagsabi na sa akin. Sa Star Magic, mga dating wala ng trabaho. They are welcome here, actually they're coming."

          May pa-blind item pa si direk tungkol sa isang artista magpapamanage sa kaniya na ang clue lamang na binigay niya ay galing daw sa probinsya. So ang iniisip namin ay artistang galing sa seryeng Ang Probinsyano. 

           Paano nga ba mag-apply bilang artista?
          " Kung meron kayong mga talent scout o yung iba may mga managers na, you can go directly sa amin sa Blvck Creatives. Open naman na ang office. Hindi kailangan yung artist mismo ang pumunta. 

           " Yung mga newbie kasi kailangan makita natin, kailangan sila itrain, interviewhin, kailangan patunayan kung ano yung talento. May contact naman kaming ibibigay. Its better na before they go may appointment." 
          Kahit mag full time daw si direk Bobet sa Blvck Entertainment ay hindi raw maaapektuhan ang pagiging Creative Consultant niya sa Laugh Out Loud

           " Hindi naman full time nandito ako sa Blvck Entertainment. Siyempre may mga schedule kami for conference, meeting. Hinahati hati ko din naman po yung aking oras."

           Proud din ibinahagi ni direk Bobet ang pagkapanalo bilang konsehal sa Pililla Rizal at  top 1 siya. 

           Willing ba siya na ang mga magiging talents ay magguest sa dati niyang programa na It's Showtime?

         " Kapag gusto po ng It's Showtime igiguest po natin. Wala pong problema yun at sobrang mahal ko po ang programang yun."

        Ano ang magiging management style niya?

       " Ang gusto ko talagang approach kung saan ka bihasa, dun kita ie-enhance kasi yun ang forte mo. May mga artist na Jack of all.fraits lahat gustong gawin. Sa akin magfocus ka sa forte mo kung saan ka magaling."

         Bukas din daw sina direk Bobet  co-management.

        "Alam naman natin na may mga artistang under pa rin ng network. Yes. Pwede kaming makicollaborate. Welcome po yan.

         Ano na ang mga plano na aabangan sa Blvk Entertainment?

         "Meron na. Pinag-aaralan lang namin kung ano yung protocol. Kasi kahit paano din naman hundred percent na yung ating mga events. Bibigay namin sa inyo yung mga information like gusto ning maglaunch mg concert.
          Magiintroduce kami ng mga new talents. Kung ano ang uso yun ang papatulan natin. Dun tayo sasakay kasi this ia business eh. But ofcourse iisip pa kami ng aming own style. Kung paano kami aalagwa o magiging different sa ibang management. Tuturuan namin yung mga artists namin na maging responsable at marespeto."

          What if nakagawa sila ng malaking artista tulad nina Vivlce Ganda John Lloyd o Anne Curtis pero kinakitaan ng attitude, bibitawan ba nila?

           " We are all binded by contracts naman.Siguro sa mga nangyari nung mga nakaraan, we learned our lesson already.Hindi mo pa rin masabi kapag ang tao, yun na ang pagkatao niya . Mahirap baliin yun."

          Sa kabila naman ng mga pinagdaanan may mga bagong blessings na dumating sa buhay niya.

           "Siguro kung ano ang naramdaman ko sa mga pinagdanaan ko, oh there's life. Tama ako sa desisyon ko after all na pinagdasal ko, pinag-isipan kong mabuti.Tama yung hakbang na aking ginawa for my peace of mind. 

            " But I'm still hungry dun sa mga taong nangangarap. Siguro yun talaga ang forte ko yung tumulong sa mga nangangarap. I will try my best na tulungan sila. Kung naiintindihan ko ang ibang artist, itong mga upcoming stara, mas maiintindihan ko sila," pagwawakas ni direk. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!

Magic Voyz, bagong kagigiliwang all male group

Ladine Roxas Saturno, masaya sa pagbabalik sa music industry