Back to back saya sa It's Showtime kasabay ng pagbabalik ng live audience

(from teddspotting IG)

by Mildred A. Bacud

Espesyal ang araw ng July 16 para sa It's Showtime family. Hindi lang kasi ang makasaysayang pagsasanib pwersa nila ng  programang Laugh Out Loud ng TV 5 at It's  ang napanood nitong araw na ito  sa Kapamilya Channel, A2Z, TV 5 at iba pa,ito rin ang araw nang pagbabalik ng live audience sa studio ng It's Showtime. 


Sa larawang pinadala sa amin ng mga fan ni Kim Chiu, ang team Global ay todo ang suporta nila sa kanilang idolo.

Bago ang pagwelcome sa madlang people ay pinangunahan ni Vice Ganda ang bonggang production number at habang umaawit ay lumabas ang mga audience. Hindi ganun karami kumpara no'ng normal pa pero bumalik muli ang saya sa loob ng studio. 


Ibig sabihin lang ay nararamdaman na ang pagnormalize ng sitwasyon kahit pa may mga isyu ng pagtaas muli ng kaso ng Covid sa Pilipinas. Kumbaga ay manageable pa rin ang sitwasyon kaya nabigyan na sila ng permiso na makapag-  live audience.Sabi ng aming kakilala, mahigpit naman muli  daw ang pamunuan ng It's Showtime at sumusunod sila sa safety protocol. 

Mula ng pandemya no'ng 2020, ay ngayun lamang nakapag-live audience ang nasabing show. Nung mga nakaraan ay virtual audience lamang dahil na rin sa takot sa nasabing pandemya.      

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Shooting Ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay ni Janna Dee, magsisimula na!

Sarah Javier, magkasunod ang naging karangalan sa Amerika at Japan

Debut single ni Yza Santos na "Misteryo," inilabas na!